Ruffa Gutierrez, naluha sa mensahe ng panganay niyang si Lorin

Ruffa Gutierrez, naluha sa mensahe ng panganay niyang si Lorin

- Naluha si Ruffa Gutierrez sa mensahe ng panganay niyang si Lorin

- Ito ay patungkol sa kung paano sila pinalaki ni Ruffa sa kabila ng pagiging single parent nito

- Binigyang puri rin ni Lorin ang iba pang mga taong sumuporta at tumulong sa pagggabay sa kanila

- Kaya naman sinabi ni Lorin na deserve ng kanyang ina ang isang happy ending sa love life nito

Hindi napigilang maluha ni Ruffa Gutierrez habang nagbibigay pahayag ang panganay niyang anak na si Lorin.

Ruffa, naluha sa mensahe ng panganay niyang si Lorin
Ruffa, naluha sa mensahe ng panganay niyang si Lorin
Source: Facebook

Ito ay matapos matanong ni Karen Davila sina Lorin at Venice kung nagtanong ba ito sa kanilang ina tungkol sa saparation nito sa kanilang ama.

"Honestly, growing up without a father, of course it's hard. But just because you come from a broken family it doesn't mean you are broken. And that's something I always try to remember. Luckily, our mom's side of the family has always been the amazing support system she has so many brothers, our grandparents. It never felt like an empty home. We were always surrounded with so much love," paliwanag ni Lorin.

Read also

Ruffa Gutierrez, may "violent reaction" sa pagtuntong niya ng edad na 50

"Sure It wasn't from a typical father figure but we have our lolo, we have our mom, we had the amazing amazing yayas who raised us as well. Provided so much support," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil dito, deserve umano ng kanyang ina ang fairytale ending sa love life nito.

"I just always told her like you deserve your fairytale ending... It's not about me and Venice cause we're fine, we're so fine with just our mom. I never needed a dad. I just want her to have the love of her life," giit pa ni Lorin.

Narito ang kabuuan ng panayam kina Ruffa, Lorin at Venice mula sa YouTube channel ni Karen Davila:

Si Sharmaine Ruffa Rama Gutierrez na mas kilala sa showbiz name niyang Ruffa Gutierrez ay isang beauty queen/ actress sa Pilipinas. Siya ay anak nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Tinanghal siya bilang second runner-up ng Miss World noong 1993. Nabiyayaan niya ng dalawang anak na sina, Lorin Gabriella at Venezia Loran sa dati niyang asawa na si Yilmaz Bektas.

Read also

Mark Escueta, nawindang sa lalaking cashier nang manood ng pelikula kasama sina Jolina at mga bata

Isa sa pinakahuling naging proyekto ni Ruffa ay ang pinakaabangang serye na Can't buy me love na pinagbidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan. Ginanmapan ni Ruffa ang karakter na Gina.

Samantala, sa birthday party ni Marjorie Barretto, ibinuking ni Karla Estrada ang umano'y reaksyon ni Ruffa na 50 taon na ngayong 2024. Ayon kay Karla, minsan siyang tinawagan ni Ruffa para sabihing takot umano itong mag-50.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica