Alex, may mensahe sa rider na napagkamalan silang mag-asawa na sina Toni G at James Yap

Alex, may mensahe sa rider na napagkamalan silang mag-asawa na sina Toni G at James Yap

- May makulit na mensahe si Alex Gonzaga sa post umano ng isang rider

- Sa naturang post, nagpasalamat ang rider na nilibre raw ng burger nina Alex at asawa nitong si Mikee Morada

- Subalit, inakala ng rider na si Alex ay ang kapatid nitong si Toni Gonzaga

- Sa comments section, tila may pahabol pang pangungulit si Alex sa asawa ni Toni na si Paul Soriano

Ibinahagi ni Alex Gonzaga ang post ng isang rider na inakalang siya si Toni Gonzaga habang ang asawa naman niyang si Mikee Morada ay inakalang si James Yap.

Alex, may mensahe sa rider na napagkamalan silang mag-asawa na sina Toni G at James Yap
Toni Gonzaga- Soriano and Alex Gonzaga- Morada (Alex Gonzaga FB)
Source: Facebook

Sa kanyang post, hiling ni Alex na makarating sa rider ang kanyang mensahe bago pa raw magkaroon ng isyu sina Toni at James na nagpapa-burger.

"Sana makarating kay kuya na kami yun mag-asawa, ending pa nito magkaka-issue ang ate ko at james yap na nagpapaburger. Babawiin ko yan burger mo kuya," ang nakatutuwang mensahe ni Alex para sa rider.

Read also

Carlo Aquino, nagbahagi ng nakakaintrigang post na isang Japanese phrase

Samantala, sa comments section, makikita ang pahabol na pangungulit ni Alex sa asawa ni Toni na si Paul Soriano.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Kuya Paul,'wag ka maniniwala sa sabi-sabi na nag-burger ang ate at si James Yap na in-approve ng daddy pa"

Samantala, narito naman ang ilan sa mga naging komento ng netizens:

"Ang galing ni Kuya magpatawa! Kay Ms. Toni lang ang pinakamalapit"
"Na-excite si Kuya sa pag-share. Ang tingin na tuloy niya si Toni, James at tatay"
"Lagot kuya, bawian ng burger pala ito. Paki-explain nasaan po si James Yap diyan"

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang halos 14 million subscribers sa kasalukuyan.

Read also

Jake Ejercito, inulan ng papuri sa sweet Father's Day post kasama si Ellie

Minsan na niyang naikwento na naantala umano ang pagpaparetoke niya ng ilong dahil daw sa Tropang Lol. Ito ay dahil sa isa umanong segment ng programa, naglalagayan sila ng icing sa mukha.

Gayunpaman, walang anumang isyu sa kanyang pamilya ang desisyong ipagawa ang ilong. Katunayan, nagbiro pa itong sa susunod na siya'y magpapagawa, magpapalagay siya ng ilong sa baba.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica