Sachzna Laparan, napa-OMG sa ginawa ng OG Marimar na si Thalia sa kanyang video

Sachzna Laparan, napa-OMG sa ginawa ng OG Marimar na si Thalia sa kanyang video

- Napa Oh my God! si Sachzna Laparan sa ginawa ng original Marimar sa kanyang video

- Matatandaang maraming content creator ang gumawa ng Marimar trend

- Ayon pa kay Thalia, natutuwa siya sa mga gumawa ng kanyang trend na ito

- Dahil dito, marami ang nag-aabang kung gagawa rin si Thalia ng entry niya sa Marimar trend

Nagawang i-duet ng original 'Marimar' na si Thalia ang entry ni Sachzna Laparan sa Marimar trend.

Sachzna Laparan, napa-OMG sa ginawa ng OG Marimar na si Thalia sa kanyang video
Sachzna Laparan, napa-OMG sa ginawa ng OG Marimar na si Thalia sa kanyang video (Sachzna Laparan FB)
Source: Facebook

Sa kanyang TikTok, kasama ng kanyang video ang version ni Sachzna na talagang hindi nagpahuli sa ibang mga gumawa ng naturang trend.

"I LOVE all #Marimar trends" ang bahagi ng caption ni Thalia.

Agad namang napakomento si Sachzna sa naturang post ni "Marimar"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"OMG! WE LOVE YOU!!!" ang naging reaksyon naman ni Sachzna.

Read also

Carlo Aquino, nagbahagi ng nakakaintrigang post na isang Japanese phrase

Dahil dito, ilang netizens ang pumuri kay Sachzna:

"Ikaw din pinakamaganda gumawa nyan kase"
"Sa totoo lang winner si sachzna sa marimar trend hindi OA, lakas ng karisma sa lahat"
"Thanks sa pag recognise kay sachzna.. For me sya tlga ung may pinaka mgndang marimar trend"
"Sa lahat din ng trend si sachzna bet ko mag marimar. fit na fit e. May napili na si Thalia."
"I knew it! Para sakin si Sachzna talaga"

Narito ang kabuuan ng video:

Si Sachzna Laparan ay isang actress, model at content creator sa bansa. Katunayan, mayroon na siyang mahigit 2 million subscribers sa kanyang YouTube channel. Minsan na rin siyang naging bahagi ng ilang pelikula tulad ng 'Katips', 'Love;Life' at 'How to Move On in 30 Days.'

Matatandaang minsan narin siyang naging panauhin sa Ogie Diaz YouTube channel kung saan nasabi niyang nagawa pa umano niyang tulungan ang taong nagbigay ng matinding trauma sa kanya.

Read also

Viy Cortez, nagbigay ng detalye tungkol sa bonggang wedding gown

Pagbabalik-tanaw ni Sachzna, walang-wala na raw talaga ang taong ito maging ang kanyang pamilya ay hindi siya nagdalawang -isip tulungan. Nabanggit niyang sa kabila umano ng pagpapatawad niyang ginawa, tila hindi pa rin daw umano ito nagsisisi sa nagawa sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica