Diwata, ibinida ang kanyang bonggang outfit para sa pagrampa niya sa sagala sa Malabon

Diwata, ibinida ang kanyang bonggang outfit para sa pagrampa niya sa sagala sa Malabon

- Ibinida ni Diwata ang kanyang bonggang gown para sa kanyang pagsabak sa sagala sa Malabon

- Sa isang panayam, inihayag ni Diwata ang kasiyahan sa kanyang kauna-unahang experience na maging bahagi ng sagala

- Malaking karangalan daw para sa kanya na mapili na maging bahagi nito

- Dagdag pa niya, matagal na ring hindi siya nag-ganda-gandahan kaya masaya siya

Sa kanyang pagrampa sa sagala sa Malabon ngayong araw, ipinakita ni Diwata ang kanyang bonggang gown na agad na nakapukaw ng pansin at puso ng mga manonood.

Diwata, ibinida ang kanyang bonggang outfit para sa pagrampa niya sa sagala sa Malabon
Diwata, ibinida ang kanyang bonggang outfit para sa pagrampa niya sa sagala sa Malabon
Source: Facebook

Sa isang naibahaging video kung saan nakapanayam si Diwata, ipinahayag ni Diwata ang kanyang labis na kasiyahan sa pagiging bahagi ng prestihiyosong pagdiriwang na ito.

Dagdag pa niya, matagal na ring panahon ang lumipas mula nang huling mag-ayos at magdamit nang ganito, kaya't masayang-masaya siya sa pagkakataon na ito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Diwata, nakipagsabayan sa ilang kilalang artista sa sagala sa Malabon

Marami naman ang natuwa para kay Diwata. Narito ang ilang mga komento ng netizens sa kanyang post:

Nakakatuwa kasi natupad na ang pangarap mong mag suot ulit ng gown you deserve to be happy❤️
Importante maganda ang kalooban. Doon mo mkikita ang tunay na kagandahan...at ikaw yun, kaya maraming nagmamahal sa'yo...at sana wag kng magbago
Wow beautiful dress bagay n bagay po saiyo

Si Deo Jarito Balbuena na kilala sa online world bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga customer.

Sinagot ni Diwata ang inihayag na opinyon ni Mystica patungkol sa kanya. Sinabi ni Mystica na yumabang na raw si Diwata at tumaas na ang ere matapos nitong sumikat. Para kay Diwata, hindi naman importante sa buhay niya si Mystica kaya hindi na daw dapat niya itong pansinin. Dagdag pa niya, ang pinakamahalaga sa kanya ay ang kanyang negosyo.

Read also

Donnalyn Bartolome, naging emosyonal sa kanyang 'I'm Adopted' video

Minabuti ni Rosmar Tan na magsalita upang dipensahan si Diwata sa mga negatibong komento. Kabilang na dito ay ang komentong yumabang na raw ito matapos ilabas ng ilang vloggers ang video na tila hindi sila napagbigyan ni Diwata. Ani Rosmar, pinayuhan niya si Diwata na huwag na lang magpakita muna kung kailangan niyang magpahinga kesa makuhanan siya ng video. Aniya, maging siya ay nakakaranas ng hindi maganda mula sa mga nagpapa-picture pero natutunan daw niyang kontrolin ang kanyang emosyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags:
Online view pixel