Alodia kumpirmadong buntis na sa panganay na anak nila ni Christopher Quimbo

Alodia kumpirmadong buntis na sa panganay na anak nila ni Christopher Quimbo

- Inanunsiyo ng mag-asawang Alodia Gosiengfiao at Christopher Quimbo ang tungkol sa pagbubuntis ni Alodia

- Ginawa ang anunsyo sa Instagram noong Araw ng mga Ama, Hunyo 16

- Sa caption ng post, isinulat ni Alodia: "Player 3 has joined the party"

- Maraming tagahanga at kaibigan ang nagbigay ng pagbati at suporta sa mag-asawa

Ipinahayag ng sikat na cosplayer na si Alodia Gosiengfiao at ng kanyang asawa, ang negosyanteng si Christopher Quimbo, ang kanilang kasiyahan sa kanilang unang anak. Ang masayang balita ay kanilang isinapubliko sa pamamagitan ng Instagram ngayong Father's Day, Hunyo 16.

Alodia kumpirmadong buntis na sa panganay na anak nila ni Christopher Quimbo
Alodia kumpirmadong buntis na sa panganay na anak nila ni Christopher Quimbo
Source: Instagram

Sa kanilang Instagram post, makikita ang larawan ng mag-asawa na puno ng kaligayahan. Sa caption ng nasabing post, isinulat ni Alodia: "Player 3 has joined the party," na nagpapahiwatig ng pagdating ng kanilang bagong miyembro ng pamilya. Ang anunsyo ay mabilis na nag-viral at umani ng maraming pagbati at suporta mula sa kanilang mga tagahanga at kaibigan sa social media.

Read also

Viral Amlan couple, bongga ang Take 2 ng kanilang kasal

Ang pagbubuntis ni Alodia ay isang bagong kabanata sa kanilang buhay mag-asawa, na kilala sa kanilang mga tagumpay sa kani-kanilang larangan. Bumaha ang pagbati para sa mag-asawa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Alodia Gosiengfiao ay nakilala bilang isa sa pinakasikat na cosplayer sa bansa. Isa din siyang game streamer at vlogger. Matagumpay din si Alodia sa larangan ng kanyang negosyo. Isa siya sa may-ari ng Tier 1 Entertainment, isang e-sports entertainment company. gayunpaman, kamakailan ay naglabas siya ng pahayag tungkol sa kanyang pag-alis sa Tier 1.

Nag-post si Alodia Gosiengfiao ng behind-the-scene video ng kanyang Instagram post kamakailan. Makikita sa naturang video ang mister niyang si Christopher Quimbo na siyang naghahawak ng ilaw para sa kanya. Marami naman ang napa-sana all sa effort na ito ng asawa ni Alodia para lang masuportahan ito. Matatandaang ikinasal sina Alodia at Christopher at marami ang namangha sa bonggang kasal nila na dinaluhan ng bigating mga bisita.

Read also

Viy Cortez, binahagi ang nagagandahang wedding photos nila ni Cong

Ibinahagi ni Alodia Gosiengfiao ang nakakaaliw na video ng kanyang asawang si Christopher Quimbo. Sa naturang video ay makikitang nagsasalita si Chris sa Tagalog at nagtatanong kay Alodia kung tama ang kanyang sinasabi. Sa mga video na binabahagi ni Alodia sa social media, madalas ay hindi nagtatagalog si Christopher. Ani Alodia, minsan ay pinapa-translate sa kanya ng asawa ang mga Tagalog na komento.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot:
Online view pixel