Toni Gonzaga, agad na naluha sa kwento ng ama ng triplets na namatayan ng misis

Toni Gonzaga, agad na naluha sa kwento ng ama ng triplets na namatayan ng misis

- Hindi napigilang maluha ni Toni Gonzaga sa interview niya kay Joel Regal

- Minsan nang nag-viral ang kwento ni Joel nang mamatayan ito ng misis at naiwan sa kanya ang triplets nilang mga anak

- Umpisa pa lang ng kwento ni Joel, umaapaw na rin ang emosyon ni Toni

- Sa ngayon, malaki ang pasalamat ni Joel na patuloy niyang naitataguyod ang tatlong taong gulang na niyang mga anak

Maging si Toni Gonzaga ay hindi napigilang maluha sa kanyang interview kay Joel Regal.

Toni Gonzaga, agad na naluha sa kwento ng ama ng triplets na namatayan ng misis
Joel Regal and Toni Gonzaga (Toni Gonzaga Studio)
Source: Facebook

Sa pagdiriwang ng Father's Day, si Joel ang naging panauhin sa Toni Talks kung saan naikwento niya paano hinarap ang pagkamatay ng misis sa panganganak sa kanilang triplets.

Halos umpisa pa lang ng panayam ay napakuha na rin ng tissue si Toni na umapaw na rin ang emosyon sa mga naibabahagi ni Joel.

Mahal na mahal ni Joel ang pumanaw na misis. Dala ng ilang komplikasyon sa pagbubuntis tulad ng enlarged heart at pagkakaroon ng tubig sa baga, pagkasilang sa kanilang mga anak ay tinapat na siya ng doctor na 50/50 na umano ang tsansang maka-survive ang asawa.

Read also

YouTube content creators na sina Viy Cortez at Cong TV, ikinasal na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagawa pa niya itong makausap sa huling sandali kung saan nasabi niyang lumaban para sa kanilang mga anak. Sa kasamaang palad, hindi na rin umano ito kinaya pa ng kanyang asawa.

Malaki ang pasasalamat ni Joel sa mga taong sumuporta at patuloy na tumutulong sa kanya. Na bagama't matindi ang kanyang pinagdaanan, marami ang nagpaabot ng pagmamalasakit sa kanya at higit sa lahat sa kanyang mga anak.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Toni Gonzaga Studio:

Isa ang Toni Tolks sa mga pinakaaabangang YouTube channel dahil sa mga makabuluhang interviews ni Toni Gonzaga- Soriano sa mga taong inspirasyon ang dala ng kanilang mga kwento.

Isa na rito ang social media personality na si Diwata na minsan na rin umanong na-interview ni Toni. Doon naikwento ni Diwata na ang dati niyang nakaalitan ay isa na ngayong empleyado sa kanyang paresan. Bukod sa umano'y nagkaayos na sila, natulungan pa niya ito na magkaroon ng kabuhayan.

Read also

Ama ng triplets na panauhin ng Toni Talks, emosyonal sa kanyang Father's Day post

Matatandaang kamakailan ay dinagsa ang grand opening ng Quezon City branch ng Diwata Pares Overload ni Diwata. Ipinasilip din niya ang mga bago sa menu ng Diwata Pares Overload. ilan sa mga ito ay 'Diwata Sokoleyt overload', 'Diwata Hotdog Overload', 'Diwata Family Siken' at 'Diwata Spagiti Overload'.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel