Derek Ramsay, inulan ng pagbati sa kanyang cryptic post: "Can't wait @maria.elena.adarna"

Derek Ramsay, inulan ng pagbati sa kanyang cryptic post: "Can't wait @maria.elena.adarna"

- Inulan ng pagbati si Derek Ramsay matapos mag-post ng mga larawan kasama si Ellen Adarna at anak nitong si Elias na may caption na "Can't wait"

- Maraming netizens ang naghinala na baka inaasahan na ng mag-asawa ang kanilang unang anak

- Sumagot si Ellen sa post ni Derek ng, "When are you coming home ba? Lol" na sinagot naman ni Derek ng, "Soon! Relax ka lang dyan, ok?"

- Dahil sa mga pahiwatig na ito, maraming netizens ang agad na nagpahayag ng pagbati

Inulan ng pagbati ang aktor na si Derek Ramsay matapos niyang mag-post ng mga larawan kasama ang asawang si Ellen Adarna at anak nitong si Elias noong Hunyo 15.

Derek Ramsay, inulan ng pagbati sa kanyang cryptic post: "Can't wait @maria.elena.adarna"
Derek Ramsay, inulan ng pagbati sa kanyang cryptic post: "Can't wait @maria.elena.adarna"
Source: Instagram

Sa nasabing post, sinabi ni Derek, "Can't wait @maria.elena.adarna Alam mo na! Lol," na agad namang sinagot ni Ellen ng, "When are you coming home ba? Lol" at muling sumagot si Derek ng, "Soon! Relax ka lang dyan, ok?"

Read also

Ray Parks, nagpasalamat sa pagbati ni Zeinab Harake sa kanyang 'first Father's day'

Dahil sa mga pahiwatig na ito, maraming netizens ang agad na nagpahayag ng pagbati at hinala na baka inaasahan na ng mag-asawa ang kanilang unang anak.

Nitong taon, ipinagdiwang nina Derek at Ellen ang kanilang ikatlong anibersaryo bilang magkasintahan at ikalawang anibersaryo bilang mag-asawa, na lalo pang nagpasigla sa kanilang mga tagahanga sa posibilidad ng bagong biyaya sa kanilang mag-asawa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Ellen Adarna o Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay sa totoong buhay ay ang panganay na anak na babae ng isang prominenteng pamilya sa Cebu. Sila ay nagmamay-ari ng maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa Timog at pati na rin sa Manila at Davao. Isa din siyang kilalang modelo na nagsimula bilang isang sikat na social media celebrity na kinalaunan ay naging isa sa mga 'Star Magic' artist mula noong taong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.

Read also

Alodia kumpirmadong buntis na sa panganay na anak nila ni Christopher Quimbo

Sa kanyang IG stories kamakailan ay sinagot ni Ellen ang tanong ng netizens sa kanya. Isa sa mga naitanong sa kanya ay patungkol sa mga haters at bashers. Naitanong sa kanya kung paano siya sa kanyang mga bashers. Direktang sinagot ni Ellen ang tanong na ito. "Kebs" daw siya sa mga ito dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa kanya.

Samantala, kamakailan ay binahagi ni Ellen sa social media post niya ang video ng anak niyang si Elias na mas pinipiling tumabi kay Derek. Base sa video mukhang kuha ito sa loob ng eroplano kung saan makikita si Derek na nakaupo sa isang malaking airplane seat. Makikita si Elias na nakasiksik sa tabi ni Derek habang may pinapanood. Maririnig sa video ang pagpapabalik sa kanya sa upuan niya ngunit aniya ay mas gusto niyang matulog katabi ang kanyang "Papa D."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel