Kim Chiu, nausisa ni Bela kung ano ang trabaho kung hindi siya artista

Kim Chiu, nausisa ni Bela kung ano ang trabaho kung hindi siya artista

- Sinagot ni Kim Chiu ang tanong ng kaibigang si Bela Padilla ukol sa trabahong pipiliin

- Ito raw ay sakaling hindi naging isang kilalang aktres si Kim sa ngayon

- Bukod dito, naikwento rin ni Kim ang mga taong naging tulay sa tinatamasa niyang tagumpay ngayon sa showbiz

- Sa ngayon, bahagi pa rin si Kim Chiu ng It's Showtime at bumida rin sa ilang patok na serye kamakailan

Nausisa ni Bela Padilla ang kaibigang si Kim Chiu kung ano ang nais nitong trabaho sakaling hindi siya naging artista.

Kim Chiu, nausisa ni Bela kung ano ang trabaho kung hindi siya artista
Kim Chiu, nausisa ni Bela kung ano ang trabaho kung hindi siya artista (Kim Chiu FB)
Source: Facebook

Sa vlog ni Bela, masaya nilang napag-usapan itinakbo ng showbiz career ni Kim ngunit naisip ni Bela, paano kung hindi naging artista ang kaibigan.

"Isa akong bank manager," ani Kim.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

YouTube content creators na sina Viy Cortez at Cong TV, ikinasal na

"Nagbibilang siya ng pera pero sa ibang tao," makulit na idinagdag ng lead star ng 'What's Wrong With Secretary Kim?'

Sinang-ayunan naman siya ni Bela lalo na raw kung makikita niyang naka-uniform ang kaibigan.

Gayunpaman, nasabi ni Bela na para sa kanya'y "queen of character development" si Kim. Ito ay dahil sa marunong itong tumanggap ng iba't ibang komento, ginagawa itong positibo para sa kanyang ikabubuti.

Nasabi rin ni Bela na isa si Kim sa matuturing niyang 'most successful friend.' Matatandaang bukod sa pagiging kilalang aktres, kamakailan ay pinasok na rin ni Kim ang pagnenegosyo ng sariling brand ng bags.

Narito ang kabuuan ng kanilang masaya at makabuluhang talakayan:

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng Yu.

Read also

Ama ng triplets na panauhin ng Toni Talks, emosyonal sa kanyang Father's Day post

Naging maugong ang pagtatapos ng kanilang relasyon noong nakaraang taon na naunang napansin ng publiko dahil na rin sa mga sagot ni Kim tuwing natatanong nito tungkol kay Xian.

Sa ngayon, bukod sa It's Showtime, mapapanood din si Kim sa seryeng 'What's Wrong With Secretary Kim' kung saan kapareha niya si Paulo Avelino na minsan na niyang naging leading man sa 'Linlang.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel