Arci Muñoz, inalmahan ang nagkomento tungkol sa kanyang pagiging reservist

Arci Muñoz, inalmahan ang nagkomento tungkol sa kanyang pagiging reservist

- Inalmahan ni Arci Muñoz ang negatibong komento tungkol sa kanyang pagiging reservist ng Philippine Air Force sa social media

- Sa kanyang post noong Araw ng Kasarinlan, ipinahayag ni Arci ang kanyang pagmamalaki bilang reservist at ang pagdami ng mga kababaihang sumasali sa programa

- Isang netizen ang nagkomento ng kritikal, na agad sinagot ni Arci ng isang matapang na pahayag

- Ang palitan ng mga komento ay nagdulot ng suporta mula sa maraming netizens, na pumuri sa dedikasyon ni Arci sa bayan

Ibinida ni Arci Muñoz ang pagiging reservist niya ng Philippine Air Force sa isang post sa social media. Sa kanyang post, ibinahagi ni Arci ang kanyang karanasan sa Basic Citizen Military Training (BCMT) at kung paano siya naging kauna-unahang babae sa kanyang henerasyon at propesyon na sumailalim dito.

Arci Muñoz, inalmahan ang nagkomento tungkol sa kanyang pagiging reservist
Arci Muñoz, inalmahan ang nagkomento tungkol sa kanyang pagiging reservist
Source: Instagram

Ayon kay Arci, simula nang siya'y sumailalim sa pagsasanay, dumami ang bilang ng mga nagpatala bilang reservist, lalo na ang mga kababaihan. Ipinahayag niya ang kanyang kasiyahan dahil nagampanan niya ang kanyang layunin na hikayatin ang iba na maging bahagi ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at makatulong sa kapwa, lalo na sa pagsusulong ng kapayapaan.

Read also

Michelle Madrigal, nagbahagi ng update: "Yes, I am marrying the man God sent me"

Ngunit, isang netizen ang nagkomento ng kritikal sa kanyang post: "Question is, will you tread to mudd and bleed when the time comes to save our soverignty. So easy to look tough on socmed."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi pinalampas ni Arci ang naturang komento at agad itong sinagot: "question is, did ya even try to make an effort in serving your country? Do you even know why reservists exist? And our duty? Being in the force doesn’t mean you need to go to war for me it’s more of promoting peace. It’s so easy to talk sh*t and look tough on socmed no?"

Sa kabila ng mga kritisismo, nanatiling matatag si Arci Muñoz sa kanyang layunin na magbigay inspirasyon at magsilbi sa bansa.

Si Ramona Cecilia "Arci" Datuin Muñoz ay isang actress, model, singer at dancer. Bokalista siya ng rock band na Philia at kasalukuyang bahagi ng Philippine Air Force bilang Sergeant. Siya ay unang nakilala nang sumali siya sa third season ng reality talent show na StarStruck noong 2005. Naging bahagi siya ng ilang mga palabas sa ABS-CBN, GMA and TV5.

Read also

Nico Locco, nag-post tungkol sa taong aniya ay bully

Sa pagdami ng mga artistang nag-file ng kanilang candidacy para tumakbo sa pulitika, isa si Arci sa mga ito. Tatakbo siya bilang konsehal ng Cainta. Kamakailan ay naibahagi ni Arci na natupad niya ang pangarap niyang magkaroon ng sariling restaurant.

Marami ang lalong bumilib kay Arci sa kanyang ibinahaging Instagram post. Ito ay kuha noong sumailalim siya sa Philippine Airforce Basic Citizen Military Training. Matatandaang noong Independence Day ng nakaraang taon inimbita pa niya ang mga kapwa niya babae na magpalista na rin. Makikita sa kanyang post ang paglublob nito ng mukha niya sa maputik na tubig sa damuhan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel