Ivana, proud sa pagmamaneho ni Mona: "Dati baby ka lang, ngayon nagda-drive ka na"

Ivana, proud sa pagmamaneho ni Mona: "Dati baby ka lang, ngayon nagda-drive ka na"

- Proud ate si Ivana Alawi na ngayo'y nakakapag-drive na ang kapatid niyang si Mona

- Sa kanilang bagong challenge sa kanyang YouTube channel, si Mona ang nagmaneho para sa kanila

- Mapapansin naman ang kanilang ina na labis na nag-aalala kay Mona na ayon kay Ivana ay naranasan din niya noong baguhan pa lang siyang mag-drive

- Samantala, bukod sa pagiging aktres, hindi pa rin nakakalimot si Ivana na mag-upload ng nakatutuwang content sa kanyang YouTube channel

Proud si Ivana Alawi sa kanyang bunsong kapatid na si Mona na nakakapagmaneho na.

Ivana, proud sa pagmamaneho ni Mona: "Dati baby ka lang, ngayon nagda-drive ka na"
Ivana, proud sa pagmamaneho ni Mona: "Dati baby ka lang, ngayon nagda-drive ka na" (Ivana Alawi FB)
Source: Facebook

Sa bagong video niya na 'Letting the person in front decide what we eat for a day' vlog, si Mona ang pinagmaneho nila sa iba't ibang drive thru.

"Dati baby ka lang, ngayon nagda-drive ka na," ang nasabi ni Ivana kay Mona habang nagda-drive na ito.

Read also

Interview noon kay Trina kung saan nabanggit ang pagpapakasal ni Carlo, binalikan ng netizens

Kasama nila ang kanilang Ate Amira at kanilang Mama Alawi na kapansin-pansin namang tila nababahala sa first-time driver nila.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kwento ni Ivana, ganoon din ang natamo niya noon sa kanilang ina na panay ang paalala sa kanya noong siya ay baguhan pa lamang sa manibela.

Pero ayon kay Ivana, gusto niya umano ang pagmamaneho ni Mona na tila kalmado lang.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Ivana Alawi YouTube:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 17.9 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa mga vlogs ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.

Read also

Vice Ganda sa EXpecially For You searchee na si Trisha: "Kaboses niya si Liza Soberano"

Sa isa sa pinakabagong vlog ni Ivana, nakatulong din siya sa marami dahil sa mga bumibili sa kanya sa pagkukunwaring isang sampaguita vendor, pinapalitan niya ng x1000 ang ibinabayad sa kanya para sa sampaguita. Bukod dito, ang lahat umano ng kikitain ng naturang video ay ihahandog niyang donasyon sa Antipolo church.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: