Vice Ganda sa EXpecially For You searchee na si Trisha: "Kaboses niya si Liza Soberano"

Vice Ganda sa EXpecially For You searchee na si Trisha: "Kaboses niya si Liza Soberano"

- Napansin ni Vice Ganda na tila kaboses ng isang Expecially For You searchee si Liza Soberano

- Pinaulit pa niya talaga ang introduction nito, at sinang-ayunan siya ng mga kapwa host sa napansin

- Sa comments section ng video, sinabi ng mga nakapanood na tila hawig din ito ni Liza

- Marami rin ang humanga naturang searchee na 'green flag' umano sa "beauty and brains" nito

Namangha si Vice Ganda sa EXpecially for you searchee na si Trisha. Ito ay dahil sa napansin niyang kaboses ito ni Liza Soberano.

Vice Ganda sa EXpecially for you searchee na si Trisha: "Kaboses niya si Liza Soberano"
Liza Soberano (Liza Soberano FB) Trisha Raimann (It's Showtime FB)
Source: Facebook

Pinaulit pa ni Vice ang naging introduction ni Trisha at sa ikalawang pagkakataong ito, sinang-ayunan siya ng iba pang host na kaboses nga nito si Liza.

Bukod sa angking ganda ng searchee, namangha rin sila sa educational background nito gayung double degree holder ito sa ibang bansa.

Read also

Interview noon kay Trina kung saan nabanggit ang pagpapakasal ni Carlo, binalikan ng netizens

Sa comments section ng naturang video, napansin din ng mga netizens na hindi lang boses ang pareho nina Liza at trisha kundi magkahawig din ang dalawa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

May ilan namang nagsabi na tulad ni Liza, 'beauty and brains' din si Trisha kaya naman walking 'green flag' daw ito.

Samantala, narito ang kabuuan ng nasabing segment mula sa programang It's Showtime na naibahagi rin ng GMA Pinoy TV:

Ang Expecially For You ay isa sa mga pinaaabangang segment sa It's Showtime. Ang kakaiba sa portion na ito, may pagkakataong ang ex mismo ng searcher ang kasama niya upang tulungan siyang makahanap ng panibagong pag-ibig. Sa ibang pagkakataon, taong malalapit sa searcher ang kanilang nakakasama upang makilatis ang searchee na para sa kanila.

Tulad na lamang ng naganap sa espesyal na episode ng Expecially For You kung saan si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee ang searcher, kasama ang kanyang inang Beauty Queen actress na si Melanie Marquez.

Read also

Nico Locco, nag-post tungkol sa taong aniya ay bully

Doon, napili ni Michelle si Oliver Oliver Moeller. Makalipas ang isang linggo, nagbigay ng update ang It's Showtime sa naganap na date na dalawa. Puro papuri ang nasabi ni Oliver kay Michelle na nilarawan niya bilang isang "very intelligent" "very easy to talk to" at isa umanong "lovely person"

Naging bahagi rin ng naturang segment ng It's Showtime ang ex-fiancée ng yumaong singer na si Keith Martin na si Diana. Ibinida nito ang anak nila ng 'Because of You' singer na kasama rin niya sa studio nang araw na iyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica