Sarina Hilario, kinagiliwan sa kanyang 'Halo-halo' video

Sarina Hilario, kinagiliwan sa kanyang 'Halo-halo' video

- Muling kinagiliwan si Sarina Hilario sa kanyang pinakabagong video

- Sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, nagpakita ito ng paggawa ng 'Halo-halo'

- Marami ang naaliw dahil makikitang nag-enjoy din si Sarina sa paggawa nito

- Si Sarina Hilario ay anak ng dancer, actor at TV host na si Jhong Hilario

Mabilis muling nag-viral ang bagong video ni Sarina Hilario kung saan ipinakita niya ang paggawa ng 'Halo-halo' sa pagdiriwang ng Independence day ng bansa.

Sarina Hilario, kinagiliwan sa kanyang 'Halo-halo' video
Sarina Hilario, kinagiliwan sa kanyang 'Halo-halo' video (Sarina Oceanía Azores Hilario)
Source: Facebook

Natuwa ang netizens dahil maayos na nagawa ni Sarina ang kanyang specila halo-halo.

Mula sa paglalagay ng iba't ibang sangkap, hanggang sa pagdurog ng yelo para sa kanyang halo-halo ay kanyang nagawa.

Namangha rin ang mga nakapanood dahil habang inilalagay niya ang mga ingredients, nasasabi niya ang tagalog ng kulay ng kanyang inilalagay.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Interview noon kay Trina kung saan nabanggit ang pagpapakasal ni Carlo, binalikan ng netizens

Aniya, nagmukha nang rainbow ang kanyang halo-halo sa dami ng kulay na nakikita niya roon.

Mas lalong nag-enjoy si Sarina nang makitang pwede niya palang lagyan ng ube ice cream ang kanyang halo-halo.

Wala na siyang ibang nasabi kundi "ang sarap talaga' nang matikman na ang kanyang ginawa. Aniya, ito pa ang first time na makakain siya ng tanyag na Filipino dessert na ito.

Narito ang kabuuan ng video mula mismo sa Facebook page ni Sarina:

Si Sarina Oceanía Azores Hilario ay anak ng It's Showtime host na si Jhong Hilario at partner nitong si Maia Azores. Agaw-pansin ang mga father and daughter videos nina Jhong at Sarina dahil lalo na ang kahanga-hangang pagkanta ni Sarina sa mura niyang edad.

Matatandaang naglabas na ng music video si Sarina sa awitin ni Frank Sinatra ang 'Fly me to the moon.' Bukod sa awiting ito, madalas din niyang kantahin ang "Moon River" at marami pang iba. Malimit na magbahagi si Jhong ng video ng kanyang anak na talaga namang kinaaliwan ng netizens dahil sa pagiging biba nito.

Read also

Vice Ganda sa EXpecially For You searchee na si Trisha: "Kaboses niya si Liza Soberano"

Nang magdiwang ng kanyang 3rd birthday si Sarina, pinili nilang ibahagi ang kanyang mga biyayang natatanggap sa mga batang ulila na nasa pangangalaga ng isang orphanage sa San Juan. Makikita ang saya ni Sarina sa pagbibigay saya rin sa mga batang nakasama niya sa kanyang espesyal na araw. Matatandaang kamakailan, kinagiliwan din ng marami ang video niya ng 'Selos.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel