Diwata, umapela sa fans at vloggers: "Kapag hindi ko kaya pinagbigyan, galit kayo"
- Umapela na si Diwata sa mga fans niya at influencers na dumarayo sa kanyang mga kainan
- Hiling niyang bigyan siya ng oras na makapagtrabaho at makatutok sa negosyo
- Aniya, mainam na sila'y magtulungan at magkaroon din ng pagkakaunawaan sa kani-kanilang ginagawa
- Bukod sa dalawang branch niya ng Diwata Pares Overload, kasama pa rin si Diwata sa "FPJ Batang Quiapo"
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Hindi na napigilang umapela ni Diwata sa mga fans at vloggers na dumarayo sa mga branch ng kanyang kainan.
Ayon kay Diwata, tila nawawalan na umano siya ng oras ng tumutok sa kanyang mga negosyo dahil sa pag-video at pagpapa-picture sa kanya.
Sa Facebook page ng Mga Ka Pobre, naibahagi ang naturang video ni Diwata na nakikiusap na bigyan sana siya ng oras na makapagtrabaho ng maayos.
"May time naman para sa interview at vlogging. Bigyan niyo naman ako ng time para makakilos sa tindahan ko kasi ang priority sa akin ang tindahan ko," panimula ni Diwata.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Paano ko 'yan maha-handle kung diyan na lang ako nakaharap sa camera ninyo? Tama po ba? Hindi ko na maasikaso [negosyo ko]. Hindi ko na nga alam kung may nangungupit na. Kasi kung pupunta ako diyan, gusto nyo nakaharap na lang ako sa mga camera ninyo. Kapag hindi ko kaya pinagbigyan galit kayo at sasabihin ninyo masama ang ugali," pag-aalala rin niya.
Hiling niyang ang malawak na pang-unawa ng mga tao na sana'y makipagtulungan sa kanya bilang pakikisama.
"Kaya naka-focus po ako sa tindahan ko. Naiintindihan ko naman po kayo at salamat sa suporta pero kailangan ko lang talaga ang pag-unawa ninyo."
"Kung sa camera na lang ninyo ako nakaharap wala na akong magagawa sa tindahan ko. Hindi naman siguro 'yun mahirap na pakiusap. Magtulungan tayo at makipagsamahan."
Narito ang kabuuan ng video ng kanyang naging pahayag:
Si Deo Jarito Balbuena na kilala bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares Overload. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga naging customer at bumabalik-balik sa kanyang kainan.
Sa isang post ni Rosmar Tan, todo puri niya si Diwata na masarap umanong tulungan dahil hindi raw ito abusado. Matatandaang ang CEO na si Rosmar ang siansabing may pinakamalaking naibahaging biyaya kay Diwata na umabot ng milyon-milyon ang halaga.
Hindi naman nalalayo ang naging komento ng respetadong aktor at direktor na si Coco Martin na hanga umano kay Diwata na aniya'y masarap tulungan dahil sa pagiging likas din nitong kabaitan. Sa isang interview sa kanya ng ABS-CBN, naikwento ni Coco kung paano niya nakuha si Diwata upang maging bahagi ng FPJ Batang Quiapo. Bagama't kabado sa umpisa, kinakitaan niya ito ng dedikasyon at determinasyon dahilan para maging regular na umano ito sa naturang serye na tulad ng pares ni Diwata ay pinakaaabangan din ng marami.
Samantala, Dinagsa ng marami ang grand opening ng Diwata Pares Overload branch sa Quezon City. Ibinahagi ni Diwata ang mga kaganapan bago pa man magsimula ang munting programa sa pagbubukas ng nasabing branch. Ipinasilip din niya ang mga bago sa menu ng Diwata Pares Overload. ilan sa mga ito ay 'Diwata Sokoleyt overload', 'Diwata Hotdog Overload', 'Diwata Family Siken' at 'Diwata Spagiti Overload'.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh