Nico Locco, nag-post tungkol sa taong aniya ay bully

Nico Locco, nag-post tungkol sa taong aniya ay bully

- Nag-post si Nico Locco laban sa bullying at ipinahayag ang kanyang personal na karanasan at pananaw

- Binatikos ang paggamit ng biro bilang anyo ng bullying sa mga family-friendly na palabas

- Binanggit ang epekto ng bullying sa mga mahal sa buhay at ang potensyal na impluwensya sa kabataan

- Nanawagan siya ng pagiging responsable at pagbabago mula sa mga may impluwensya sa publiko

Sa isang post, binasag ni Nico Locco ang katahimikan at ipinahayag ang kanyang saloobin laban sa bullying. Sa kanyang post, tahasang sinabi ni Nico na isang mahalagang usapin sa kanya ang bullying dahil may mga mahal siya sa buhay na nakaranas nito at nakita niya ang negatibong epekto nito sa kanila.

Nico Locco,nag-post tungkol sa taong aniya ay bully
Nico Locco,nag-post tungkol sa taong aniya ay bully
Source: Facebook

Aniya, "Una sa lahat... Bullying has and always will be a very important topic for me, kasi I have people na importante sa akin that were bullied and I saw how it affected them negatively."

Read also

DJ Chacha, nilinaw na hindi para kay Vice Ganda ang post niya sa X

Nilinaw ni Nico na matagal nang dapat napag-usapan ang ganitong klaseng isyu, lalo na sa mga programang pang-noontime show na para sa pamilya at inaasahang magbibigay-aliw sa mga manonood. Binigyang-diin niya na ang mga biro na may halong panunukso ay hindi dapat ituring na normal at katanggap-tanggap, lalo na kung ito ay nagiging sanhi ng pananakit ng damdamin ng iba.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Biro lang ba talaga ang lahat? Hindi ka nasa comedy bar kung saan inaasahang palampasin ng lahat ang mga biro. Diba dapat it’s a family-friendly noon time show para sa mga viewers to watch and enjoy," ani Nico.

Bilang isang personalidad na may malaking impluwensya, pinaalala ni Nico na may kaakibat na responsibilidad ang bawat kilos at salita, lalo na’t maaaring makaapekto ito sa mga kabataan na posibleng isipin na normal ang bullying dahil walang naninita.

Read also

Andi Eigenmann, inaming nalungkot ang ina sa kanyang pag-alis sa showbiz

"Hindi lang yun para sa mga tao na you bullied. Naisip mo din ba on how it could influence the younger generations? You condition them to think na normal lang yung bullying kasi you did it and nobody called you out for it," dagdag pa ni Nico.

Inamin din ni Nico na wala siyang perpektong pagkatao, ngunit may espasyo para sa pagbabago at pag-unlad sa bawat isa sa atin. Nanawagan siya ng pagkakaroon ng kamalayan at responsibilidad sa bawat aksyon at salita na maaaring makaapekto sa ibang tao.

"My thoughts might not matter to you and that’s okay, but I hope it reaches the people who were and are still experiencing bullying. I see you and I’m looking out for you," pagtatapos ni Nico.

Sa kanyang post, umaasa si Nico na maabot nito ang mga taong nakaranas at patuloy na nakararanas ng bullying, upang iparamdam na may mga taong nakikita at nagmamalasakit sa kanila.

Read also

Angelie Reposposa, binahagi ang larawan na ini-upload umano ng isang basher niya sa ibang bansa

Si Nico Locco au isang Canadian actor at model. Matatandaang kamakailan ay naging kasali siya sa Expecially For You segment ng It's Showtime. Sa naturang segment ay nagkaroon ng isyu kamakailan kaugnay sa dalawang naging kalahok na sina Christine at Axel.

Matatandaang binura ni Nikko Natividad ang mga post niya kaugnay sa isyung kinasasangkutan ng "It's Showtime" at dalawang naging kalahok sa Expecially For You segment nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate