Alodia Gosiengfiao, inulan ng pagbati sa kanyang 'dragon egg' post

Alodia Gosiengfiao, inulan ng pagbati sa kanyang 'dragon egg' post

- Nagbahagi si Alodia Gosiengfiao ng larawan ng tila isang dragon egg, na nagpapahiwatig na maaaring inaasahan na nila ni Christopher Quimbo ang kanilang unang anak

- Ibinahagi ang larawan sa kanyang Instagram page ngayong araw, Hunyo 7, kasama ang isang dragon emoji at tag para kay Quimbo

- Maraming tagahanga at kapwa vloggers ang agad na nagkomento, nagpapahayag ng kanilang excitement at pagbati

- Ang mag-asawa ay ikinasal noong Araw ng mga Puso 2023, at ilang buwan pagkatapos ay ipinahayag ni Gosiengfiao ang kanyang kagustuhang magkaroon ng mga anak

Napukaw ang kasiyahan at espekulasyon mula sa tagahanga ni Alodia Gosiengfiao matapos siyang magbahagi ng larawan ng tila isang dragon egg. Marami ang naghihinalang inaasahan na nina Alodia at ng kanyang asawang negosyante na si Christopher Quimbo ang kanilang unang anak ngayong Year of the Dragon.

Alodia Gosiengfiao, inulan ng pagbati sa kanyang 'dragon egg' post
Alodia Gosiengfiao, inulan ng pagbati sa kanyang 'dragon egg' post
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram page nitong Biyernes, Hunyo 7, ibinahagi ng vlogger-cosplay star ang isang larawan ng isang textured luminous oval-shaped lamp na kahawig ng isang fictional dragon egg. Tinag ni Gosiengfiao si Quimbo sa post at nilagyan ng caption na dragon emoji.

Read also

Mag-asawang Danica Sotto at Marc Pingris, nagbabala matapos ma-hack ang kanilang IG

Nag-umpukan ang mga tagahanga at kapwa vloggers sa comments section, kung saan karamihan ay inakala na ito ay pahiwatig ng pagbubuntis ni Gosiengfiao. Mayroon ding nagpaabot ng maagang pagbati kahit wala pang kumpirmasyon mula kay Gosiengfiao.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Alodia Gosiengfiao ay nakilala bilang isa sa pinakasikat na cosplayer sa bansa. Isa din siyang game streamer at vlogger. Matagumpay din si Alodia sa larangan ng kanyang negosyo. Isa siya sa may-ari ng Tier 1 Entertainment, isang e-sports entertainment company. gayunpaman, kamakailan ay naglabas siya ng pahayag tungkol sa kanyang pag-alis sa Tier 1.

Nag-post si Alodia Gosiengfiao ng behind-the-scene video ng kanyang Instagram post kamakailan. Makikita sa naturang video ang mister niyang si Christopher Quimbo na siyang naghahawak ng ilaw para sa kanya. Marami naman ang napa-sana all sa effort na ito ng asawa ni Alodia para lang masuportahan ito. Matatandaang ikinasal sina Alodia at Christopher at marami ang namangha sa bonggang kasal nila na dinaluhan ng bigating mga bisita.

Read also

Sen. Raffy Tulfo, naluha dahil sa napagbintangang Move It rider

Ibinahagi ni Alodia Gosiengfiao ang nakakaaliw na video ng kanyang asawang si Christopher Quimbo. Sa naturang video ay makikitang nagsasalita si Chris sa Tagalog at nagtatanong kay Alodia kung tama ang kanyang sinasabi. Sa mga video na binabahagi ni Alodia sa social media, madalas ay hindi nagtatagalog si Christopher. Ani Alodia, minsan ay pinapa-translate sa kanya ng asawa ang mga Tagalog na komento.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel