MTRCB Chairperson Lala Sotto, nagsalita na sa issue nina Vice Ganda, Axel, at Christine

MTRCB Chairperson Lala Sotto, nagsalita na sa issue nina Vice Ganda, Axel, at Christine

- Nagbigay ng pahayag si MTRCB Chairperson Lala Sotto ukol sa kontrobersya nina Vice Ganda, Axel, at Christine

- Sinabi ni Sotto na nauunawaan niya at sinusuportahan ang naging reaksyon ng mga hosts

- Nilinaw niya na hindi sakop ng MTRCB ang nasabing isyu

- Ang pahayag ni Sotto ay ibinahagi ni Ogie Diaz sa Ogie Diaz Showbiz Update

Nagbigay na ng kanyang pahayag si MTRCB Chairperson Lala Sotto kaugnay sa kontrobersyal na isyu nina Vice Ganda, Axel, at Christine. Ayon kay Sotto, nauunawaan niya ang naging reaksyon ng mga hosts at sumang-ayon siya sa kanilang naging hakbang. Dagdag pa niya, hindi sakop ng MTRCB ang nasabing isyu.

MTRCB Chairperson Lala Sotto, nagsalita na sa issue nina Vice Ganda, Axel, at Christine
MTRCB Chairperson Lala Sotto, nagsalita na sa issue nina Vice Ganda, Axel, at Christine
Source: Facebook

Sa kanyang naging pahayag na ibinahagi ni Ogie Diaz sa Ogie Diaz Showbiz Update, sinabi ni Sotto, "I don't have an official statement but in my opinion, the hosts acted appropriately on the given situation."

Read also

DJ Chacha, nilinaw na hindi para kay Vice Ganda ang post niya sa X

Ipinaliwanag ni Sotto na kahit wala siyang opisyal na pahayag, naniniwala siyang tama ang naging tugon ng mga hosts sa pangyayari. Binigyang-diin din niya na hindi kasama sa saklaw ng MTRCB ang nasabing isyu, kaya't wala silang hurisdiksyon dito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu. Sa kanilang pag-uusap sa episode ng It's Showtime, pinuna ni Vice ang naging reaksiyon ni Kim sa kanyang pagkukuwento. Hirit naman ni Vhong Navarro, nagiging baka daw si Kim. Tawang-tawa naman si Kim sa mga hirit na ito ng kanyang mga co-hosts.

Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It's Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong. Tawang-tawa naman silang mga host sabay sabi ni Jhong na na-block na nga daw siya ng Facebook. Matatandaang naging biruan nila ito simula nang matanggal ang Facebook page ni Rendon Labador dahil daw sa pag-mass report.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel