Dating Hashtag member na si Luke Condo nagbahagi ng opinyon sa Christine at Axel issue

Dating Hashtag member na si Luke Condo nagbahagi ng opinyon sa Christine at Axel issue

- Kabilang ang dating Hashtags member na si Luke Conde sa naghayag ng opinyon kaugnay sa mainit na usapin tungkol kina Christine at Axel ng Expecially For You

- Para sa kanya, kung papanuorin naman daw ay mukhang naging hindi komportable si Christine nang akmang bumeso si Axel sa kanya

- Matatandaang nauna nang naihayag ni Vice Ganda na kaya sila nag-react ay dahil sa naging reaksiyon ni Christine

- Lalong naging mainit ang isyu nang maging ang dating Hashtags member na si Nikko Natividad ay nag-post patungkol dito na kinalaunan ay binura niya rin

Kabilang ang dating Hashtags member na si Luke Conde sa mga naghayag ng opinyon kaugnay sa mainit na usapin tungkol kina Christine at Axel ng "Especially For You." Ayon kay Luke, kung papanuorin ang insidente, mukhang naging hindi komportable si Christine nang akmang bumeso si Axel sa kanya.

Read also

Xian Lim, sakaling bigyan ng pagkakataong makatrabaho si Kim: "why not?"

Dating Hashtag member na si Luke Condo nagbahagi ng opinyon sa Christine at Axel issue
Dating Hashtag member na si Luke Condo nagbahagi ng opinyon sa Christine at Axel issue
Source: Instagram

Matatandaang nauna nang naihayag ni Vice Ganda na kaya sila nag-react ay dahil sa naging reaksiyon ni Christine. Ang insidente ay mabilis na kumalat at naging mainit na paksa sa social media.

Lalong naging mainit ang isyu nang maging ang dating Hashtags member na si Nikko Natividad ay nag-post patungkol dito, bagama't kinalaunan ay binura niya rin ang kanyang mga post. Sa kabila ng kontrobersiya, patuloy pa rin ang diskusyon at iba't-ibang opinyon mula sa publiko at mga kasamahan sa industriya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kabila ng lahat, umaasa ang marami na maaayos ang gusot at muling magbabalik ang kasiyahan at positibong vibes sa "It's Showtime."

Ang It's Showtime ay isang noontime show ng ABS-CBN. Sinimulan itong ipalabas noong 24 Oktubre 2009. Ang programang ito ay ang pinakamatagal variety show ng ABS-CBN.

Read also

Gerald Anderson, binalikan ang pagbigay ng bahay sa ina: "Inuna ko yun para sa nanay ko"

Matatandaang ibinida ng "It's Showtime" hosts ang kanilang pagsasama-samang muli sa pagbabakasyon sa ibang bansa. Ibinahagi ni Teddy Corpus ang picture nilang magkakasama at ginamit pa niya ang hashtag na #TheSuspenders. Sa picture na kanyang binahagi ay wala sina Jhong Hilario, Jugs Jugueta, Kim Chiu at Amy Perez. Habang hindi pa bumabalik ang "It's Showtime" ay may kanya-kanyang mga ganap ang hosts at binabahagi nila ito sa social media upang magbigay pa rin ng update sa kanilang mga fans.

Ibinida ni Vice Ganda ang masayang video nila kasama ang kanyang 'It's Showtime' family habang nasa Hong Kong. Makikita ang kanilang pagsasayaw sa tunog mula sa video na binahagi ni Melai. May hawak din silang ice cream at kumakain silang magkakasama habang sumasayaw. Marami naman sa kanilang fans ang natuwa na makitang masaya at nag-eenjoy ang It's Showtime hosts.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel