Juliana Parizcova, binahagi sa kanyang Facebook account ang post ni Nikko Natividad

Juliana Parizcova, binahagi sa kanyang Facebook account ang post ni Nikko Natividad

- Maging si Juliana Parizcova ay binahagi ang post ni Nikko Natividad kaugnay sa kalahok sa 'Expecially For You' sa It's Showtime

- Wala itong ibang pahayag sa kanyang pag-share ngunit emoji lamang ang ginamit ni Juliana na tila nakisimpatya kay Nikko

- Hindi rin nagtagal at binura ni Nikko ang naturang mga post na sunod-sunod

- Matatandaang kagaya ni Nikko, si Juliana ay unang nakilala din sa It's Showtime nang sumali ito sa Ms. Q&A

Maging si Juliana Parizcova ay nakisali sa isyu kaugnay sa mga kalahok ng "Especially For You" sa "It's Showtime." Binahagi ni Juliana ang post ni Nikko Natividad na nagpapakita ng kanyang simpatiya kay Nikko.

Juliana Parizcova, binahagi sa kanyang Facebook account ang post ni Nikko Natividad
Juliana Parizcova, binahagi sa kanyang Facebook account ang post ni Nikko Natividad
Source: Facebook

Bagaman walang ibang pahayag si Juliana sa kanyang pag-share, gumamit lamang siya ng mga emoji na tila nagpapakita ng kanyang pakikiisa at simpatiya kay Nikko.

Gayunpaman, hindi rin nagtagal at sunod-sunod na binura ni Nikko ang mga naturang post.

Read also

Dating Hashtag member na si Luke Condo nagbahagi ng opinyon sa Christine at Axel issue

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang kagaya ni Nikko, si Juliana Parizcova ay unang nakilala sa "It's Showtime" matapos sumali at manalo sa "Ms. Q&A," isang patimpalak na nagbigay-daan upang siya ay makilala sa industriya ng showbiz. Sa kabila ng mga kontrobersiya, nananatili ang suporta ng mga kasamahan sa programa at ang kanilang pag-asa na muling manumbalik ang saya at positibong vibes sa "It's Showtime."

Si Nikko Natividad ay unang sumikat matapos niyang manalo sa Gandang Lalake segment ng It's Showtime. Kinalaunan, napabilang siya sa tinaguriang "kilig ambassadors" ng noontime show, ang grupong Hashtags.

Kinaaliwan si Nikko Natividad sa kanyang Instagram post bilang kanyang reaksiyon sa rebelasyon ni Jake Ejercito sa vlog ni Charlie Dizon. Isa kasi sa naitanong ay tungkol sa kung sino ang huling tao sa kanyang search history sa Instagram at mabilis ang naging tugon ni Jake na si "Nikko daks." Pabirong sinabihan ni Nikko si Jake na masaya ang pagsasama nila ng kanyang misis at makakahanap din daw ito ng kagaya niya. Sagot naman ni Jake, na na-curious lang daw siya sa mga swimsuit posts ni Nikko.

Ibinida ni Nikko ang video niya kasama ang inaanak na si Felize na anak nina McCoy De Leon at Elisse Joson. Makikita sa video na hinahawakan niya ito sa magkabilang kamay at pinapasayaw. Hirit pa ni Nikko, sa halagang 3K kada araw ay mapapalabas niya ang hidden talent ng bata. Pabiro nitong sinabihan sina McCoy at Elisse na may babayaran silang 6K sa kanya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel