Nikko Natividad, binura ang mga post kaugnay sa Expecially for You contestants

Nikko Natividad, binura ang mga post kaugnay sa Expecially for You contestants

- Burado na ang mga post ni Nikko Natividad kaugnay sa isyung kinasasangkutan ng "It's Showtime" at dalawang naging kalahok sa Expecially For You segment nito

- Naghayag ng simpatya si Nikko sa dalawang kalahok at sinabing matinding trauma daw ang dinanas

- Naghayag din siya ng saloobin kaugnay sa aniya'y power tripping at pamamahiya sa TV dahil dinanas daw niya ito

- Matatandaang unang nakilala si Nikko sa "It's Showtime" matapos siyang manalo sa isang patimpalak na kinalaunan ay naging bahagi ng Hashtags

Burado na ang mga post ni Nikko Natividad kaugnay sa isyung kinasasangkutan ng It's Showtime at dalawang naging kalahok sa "Especially For You" segment nito. Sa kanyang post, naghayag si Nikko ng simpatya sa dalawang kalahok, na sinabing nakaranas ng matinding trauma mula sa insidente.

Nikko Natividad, binura ang mga post kaugnay sa Expecially for You contestants
Nikko Natividad, binura ang mga post kaugnay sa Expecially for You contestants
Source: Instagram

Sa kanyang mga post, naglabas din siya ng saloobin ukol sa umano'y power tripping at pamamahiya sa TV, na ayon sa kanya ay personal niyang naranasan noon. "Alam ko kasi pakiramdam ng pinapahiya sa tv at napopowertrip base sa experience ko," pahayag ni Nikko sa isa sa mga post na ngayon ay burado na.

Read also

Dating Hashtag member na si Luke Condo nagbahagi ng opinyon sa Christine at Axel issue

Nikko Natividad, binura ang mga post kaugnay sa Expecially for You contestants
Nikko Natividad, binura ang mga post kaugnay sa Expecially for You contestants
Source: Facebook

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang unang nakilala si Nikko Natividad sa It's Showtime matapos siyang manalo sa isang patimpalak, na nagbukas ng pinto para maging bahagi siya ng Hashtags, ang kilalang boy group sa nasabing show. Sa kabila ng kontrobersiya, umaasa ang marami na magiging maayos ang lahat at magpapatuloy ang kasiyahan sa It's Showtime.

Si Nikko Natividad ay unang sumikat matapos niyang manalo sa Gandang Lalake segment ng It's Showtime. Kinalaunan, nakabilang siya sa tinaguriang "kilig ambassadors" ng noontime show, ang grupong Hashtags.

Kinaaliwan si Nikko Natividad sa kanyang Instagram post bilang kanyang reaksiyon sa rebelasyon ni Jake Ejercito sa vlog ni Charlie Dizon. Isa kasi sa naitanong ay tungkol sa kung sino ang huling tao sa kanyang search history sa Instagram at mabilis ang naging tugon ni Jake na si "Nikko daks." Pabirong sinabihan ni Nikko si Jake na masaya ang pagsasama nila ng kanyang misis at makakahanap din daw ito ng kagaya niya. Sagot naman ni Jake, na na-curious lang daw siya sa mga swimsuit posts ni Nikko.

Read also

Vice Ganda, nagpasalamat matapos hiranging #1 most followed male influencer

Ibinida ni Nikko ang video niya kasama ang inaanak na si Felize na anak nina McCoy De Leon at Elisse Joson. Makikita sa video na hinahawakan niya ito sa magkabilang kamay at pinapasayaw. Hirit pa ni Nikko, sa halagang 3K kada araw ay mapapalabas niya ang hidden talent ng bata. Pabiro nitong sinabihan sina McCoy at Elisse na may babayaran silang 6K sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate