Annabelle Rama: "Si Annabelle Doll hindi lalaban kay Barbie Doll maganda, maputi at makinis"

Annabelle Rama: "Si Annabelle Doll hindi lalaban kay Barbie Doll maganda, maputi at makinis"

- Nagbiro si Annabelle Rama tungkol kay Annabelle Doll at Barbie Doll sa isang post sa Facebook

- Sinabi niyang hindi lalaban si Annabelle Doll kay Barbie Doll dahil maganda, maputi, at makinis si Barbie

- Biro pa niya, gusto ni Annabelle Doll na makalaban si Chucky, na kinagiliwan ng maraming netizens

- Ang kanyang post ay mabilis na nag-viral at nagdulot ng aliw at tawanan sa kanyang mga tagasubaybay

Nagbigay ng aliw at tawanan si Annabelle Rama sa kanyang pinakabagong post sa Facebook, kung saan nagbiro siya tungkol sa karakter na Annabelle Doll.

Annabelle Rama: "Si Annabelle Doll hindi lalaban kay Barbie Doll maganda, maputi at makinis"
Annabelle Rama: "Si Annabelle Doll hindi lalaban kay Barbie Doll maganda, maputi at makinis"
Source: Facebook

Sa kanyang post, sinabi ni Annabelle Rama, "Hoy!! Yung walang magawa sa buhay tumahimik na kayo. Kasi si Annabelle Doll hindi lalaban kay Barbie Doll maganda, maputi at makinis. Ang gusto makalaban ni Annabelle Doll si Chucky. Alam nyo na kung sino yun HAHAHA happy kana!?"

Read also

Iris Lee, ibinida ang birthday dinner niya kasama si Xian Liam

Ang nakakatawang pahayag na ito ay mabilis na nag-viral, na kinaaliwan ng maraming netizens. Marami ang nagpahayag ng kanilang pagkaaliw sa sense of humor ni Annabelle, na kilala sa kanyang matapang at prangkang personalidad.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Annabelle Rosales Rama-Gutierrez o mas kilala bilang si Annabelle Rama ay isang Pinay actress at talent manager. Siya ay nagmula sa Cebu at ang maybahay ng 1960s Philippine cinema matinee idol na si Eddie Gutierrez. Bumida siya sa pelikulang "My Monster Mom" kasama ang anak na si Ruffa Gutierrez.

Kamakailan ay binahagi ni Ruffa ang isang nakakaantig na video ng kanyang anak at ng dating asawa. Ibinahagi ni Ruffa ang tungkol sa nakatakda nilang pagkikita sa Istanbul, Turkey. Marami ang natuwa para sa kanila dahil matapos ang mahabang panahon ay muling magkikita ang mag-aama.

Samantala, naiyak si Annabelle habang nakikinig sa kwento ng isa sa mga kalahok sa segment kung saan isa siya sa mga hurado sa It's Showtime. Ang naturang kalahok ay binati ang kanyang ina ng Happy Father's Day dahil mag-isa nitong tinaguyod ang pagpapalaki sa kanya bilang isang single mom. Ayon kay Annabelle, naalala niya ang kanyang mga apo na nasa Istanbul, Turkey sa kasalukuyan kasama ang kanilang ama. Sa loob ng 15 taon ay si Ruffa lang din ang nagtaguyod sa kanyang mga anak matapos nilang maghiwalay ng dating asawa nitong si Yilmaz Bektas.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate