Vicki Belo, aminadong tawang-tawa sa special mention sa kanya ni Vice sa D10 concert

Vicki Belo, aminadong tawang-tawa sa special mention sa kanya ni Vice sa D10 concert

- Aminadong tawang-tawa si Dra. Vicki Belo kay Vice Ganda nang ma-special mention siya nito sa concert ni Darren Espanto

- Tinukso kasi ito ni Vice na pinicturan umano si Darren habang sumasayaw

- Ayon pa kay Vice, kahit na nakaisang libong joke na siya sa Araneta tuwing nagco-concert hindi raw agad niya napapatili ang crowd tulad ng kay Darren

- Ang D10 ay ang anniversary concert ni Darren Espanto na dinaluhan ng mga bigating pangalan sa showbiz, performers man ito o isa sa mga nanood

Hindi napigilang ibahagi ng celebrity doctor na si Vicki Belo ang kanyang saya nang ma-special mention siya ng Unkabogable Star na si Vice Ganda.

Vicki Belo, aminadong tawang-tawa sa special mention sa kanya ni Vice sa D10 concert
Vice Ganda (Vice Ganda Facebook)
Source: Instagram

Ito ay sa 10th anniversary concert ni Darren Espanto noong June 1 sa Araneta Coliseum.

Matapos kasi ang viral dance number ni Darren, agad na napakomento si Vice na isa sa mga guest performers din sa gabing iyon.

Read also

Expecially for You searchee Axel Cruz, nakiusap na itigil na ang bashing

"Pati si Dra. Vicki Belo, Diyos ko 'nung gumanon ka nagpa-schedule ng ultrasound," ani Vice na agad namang tinawanan nina Dra. Belo at asawa nitong si Heyden Kho na nasa front seat.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Nung gumanon ka nakita ko talaga si Dra. Belo pinicturan o, tapos pagpikit ni Hayden, zinoom," makulit na idinagdag pa ni Vice.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ito ni Dra. Belo at may caption na "how did you learn this dance @darrenespanto? Tawang tawa kami sa special mention @praybeytbenjamin"

Si Jose Marie Borja Viceral na mas kilala bilang si Vice Ganda ay isang kilalang Filipino comedian, singer at TV host ng noontime show na It's Showtime. Tinagurian din siyang 'Unkabogable Star' dahil na rin sa mga patok sa takilya niyang mga pelikula.

Read also

Keanna Reeves, naikwentong ban umano siya sa mga shows ni Luis Manzano

Kamakailan, gumawa ng ingay online ang pangalan ni Vice matapos mag-viral ang bahagi ng segment nilang Expecially For You kung saan di umano'y nasita niya ang isang searchee sa pag-aakalang nailang ang searcher na kinamayan at nabeso nito.

Agad namang naglabas ng pahayag si Vice at nag-sorry sa kanya umanong nagawa lalo na at naglabas ng pahayag ang searcher na hindi niya umano minasama ang pagbeso o inakalang paghalik sa kanya ng searchee. Subalit sa kalalabas lamang na bagong pahayag ni Vice sa It's Showtime, sinabing binabawi umano niya ang nasabi sa Twitter.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel