Keanna Reeves, naikwentong ban umano siya sa mga shows ni Luis Manzano

Keanna Reeves, naikwentong ban umano siya sa mga shows ni Luis Manzano

- Naikwento ni Keanna Reeves sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz ang tungkol umano sa galit sa kanya ni Luis Manzano

- Nagalit umano ito sa kanya dahil sa isang blind item na bagama't di nabanggit ang pangalan, halatang-halata umano ito

- Mula noo'y hindi na sila nagkausap kahit makailang beses pa siya noong naging guest sa shows nito

- Matatandaang si Keanna ang isa sa mga naging big winner ng "Pinoy Big Brother" celebrity edition

Isa sa mga naikwento ni Keanna Reeves sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz ay ang tungkol umano sa sama ng loob sa kanya ni Luis Manzano.

Keanna, sa umano'y epekto ng galit sa kanya noon ni Luis; "naka-ban na ako sa mga shows niya"
Luis Manzano (Luis Manzano Facebook)
Source: Facebook

Ani Keanna, 'di man diretsahang nasabi ang pangalan noon ni Luis, halata umano ito sa clue na ibinigay para sa isang blind item.

"Blind item kasi 'yun e grabe naman kasi ang clue. Sabi, sino daw mahilig kumain ng noodles. 'Di ba may brand na nickname niya? So 'yun, wala na akong choice i-deny."

Read also

Vicki Belo, aminadong tawang-tawa sa special mention sa kanya ni Vice sa D10 concert

Aminado si Keanna na naapektuhan ang kanyang career dahil dito. Ito ay dahil na-ban umano siya sa mga shows ni Luis na dati naman siyang naiimbitahan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"May hindi magandandang naidulot sa akin 'yung nagalit sa akin si Luis. Kasi 'di ba lahat ng game show sa ABS-CBN si Luis ang host? 'Di ba ang dami-dami niyang shows. 'E dati nu'ng hindi pa kami nagkaproblema, lagi akong pilot episode niya lagi akong line up sa guesting niya. So mula nang lumabas ang issue na 'yun as in naka-ban na ako sa mga shows niya."

Hindi na rin daw umano sila nag-usap mula noon.

"'Nung lumabas 'yun kasi close kami noon, nagsabi siya na ano daw ang nagawa niyang kasalanan? bakit daw siya na-involve sa mga issue na ganyan... Hindi na kami nag-usap after nu'n"

Read also

Ogie D, piniling di sabitan ng money garland ang anak: "Ayokong mag-grandstanding ang daddy mo"

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Ogie Diaz:

Si Janet Derecho Duterte na mas kilala bilang si Keanna Reeves ay isang Pinay seksi actress na mas nakilala sa Pinoy Big Brother celebrity edition nang tanghalin siyang big winner noong 2006. Hindi rin malilimutan ng publiko kung paano naging mabuting kaibigan si Keanna sa kapwa niya naging celebrity housemate na noo'y si Rustom Padilla na ngayo'y si BB Gandanghari na.

Samantala, isa rin sa mga nakapanayam ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel ay ang komedyanteng si Mosang. Naikwento nito ang kabutihang ginawa sa kanya ni Judy Ann Santos na isa sa mga malapit sa puso niya sa showbiz.

Gayundin ang aktres na si Claudine Barretto na sa kauna-unahang pagkakataon ay nagdetalye sa mga naging kaganapan sa araw kung kailan yumao ang ex-boyfriend na si Rico Yan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel