Korina Sanchez, pinatunayang nagustuhan niya ang pares ni Diwata

Korina Sanchez, pinatunayang nagustuhan niya ang pares ni Diwata

- Pinakita ni Korina Sanchez na kinain niya talaga ang pares ni Diwata na kanyang pinuntahan kamakailan

- Ito ay matapos lumabas ang video na pina-cut niya ang video matapos niyang sumubo

- Paliwanag ni Korina, kaya niya pina-cut niya ang video ay dahil host siya at kailangan niya magsalita

- Umabot sa 28M views ang video na na-post ng vlogger tungkol sa pagpapatigil ni Korina sa video

Pinatunaya ni Korina Sanchez na nagustuhan niya ang pares ni Diwata na kanyang pinuntahan kamakailan. Sa isang video, ipinakita niya na kinain niya talaga ang pares na ito.

Ang kontrobersiya ay nagsimula nang lumabas ang isang video kung saan pina-cut niya ang recording matapos siyang sumubo.

Korina Sanchez, pinatunayang nagustuhan niya ang pares ni Diwata
Korina Sanchez, pinatunayang nagustuhan niya ang pares ni Diwata
Source: Facebook

Pinaliwanag ni Korina na pinatigil niya ang video dahil kailangan niyang magsalita bilang host. Ang nasabing video ay umabot sa 28 milyong views matapos itong ipost ng vlogger na may Facebook page na YT MAN PH. Marami ang nagkomento na tila hindi nagustuhan ni Korina ang lasa ng pares dahil agad niyang pinahinto ang recording matapos lamang ang isang subo.

Read also

Kim Chiu nang tanungin tungkol sa pelikula ni Gerald Anderson: "Wala po kong maalala, your honor"

Napag-usapan din nila ang responsibilidad ng vlogger na maglabas ng katotohanan. Ayon kay Korina, napatawad na niya ang vlogger sa kabila ng kanyang video na para sa kanya ay isang 'click-bait.'

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Deo Jarito Balbuena na kilala sa online world bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga customer.

Sinagot ni Diwata ang inihayag na opinyon ni Mystica patungkol sa kanya. Sinabi ni Mystica na yumabang na raw si Diwata at tumaas na ang ere matapos nitong sumikat. Para kay Diwata, hindi naman importante sa buhay niya si Mystica kaya hindi na daw dapat niya itong pansinin. Dagdag pa niya, ang pinakamahalaga sa kanya ay ang kanyang negosyo.

Read also

Diwata, kinuwento ang tungkol sa customer: "Hinintay lang na may dumapong langaw"

Minabuti ni Rosmar Tan na magsalita upang dipensahan si Diwata sa mga negatibong komento. Kabilang na dito ay ang komentong yumabang na raw ito matapos ilabas ng ilang vloggers ang video na tila hindi sila napagbigyan ni Diwata. Ani Rosmar, pinayuhan niya si Diwata na huwag na lang magpakita muna kung kailangan niyang magpahinga kesa makuhanan siya ng video. Aniya, maging siya ay nakakaranas ng hindi maganda mula sa mga nagpapa-picture pero natutunan daw niyang kontrolin ang kanyang emosyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel