Lian Paz, nagbahagi ng mensahe sa mga anak na sina Xonia at Xalen

Lian Paz, nagbahagi ng mensahe sa mga anak na sina Xonia at Xalen

- Ibinahagi ni Lian Paz ang mga larawan ng kanyang dalawang anak na parehong nakatanggap ng 'High Honors' sa pagtatapos ng klase

- Nagpasalamat si Lian sa Panginoo para sa karunungan at gabay na ibinigay sa kanyang mga anak sa buong taon

- Binanggit ni Lian ang pagsusumikap at dedikasyon ng kanyang mga anak sa kanilang pag-aaral at sa pagiging mabuting tao

- Inilahad ni Lian na natutunan ng kanyang mga anak na magtiwala sa Diyos sa kabila ng mga pagsubok, na nagpapakita ng kanilang paglago sa espiritwal na buhay

Ibinahagi ni Lian Paz ang mga larawan ng kanyang dalawang anak na sina Xonia at Xalene, na parehong nakakuha ng 'High Honors' sa pagtatapos ng klase. Kasabay nito, nagpost din si Lian ng isang inspirasyonal na mensahe para sa kanyang mga anak at kay Father God.

Lian Paz, nagbahagi ng mensahe sa mga anak na sina Xonia at Xalen
Lian Paz, nagbahagi ng mensahe sa mga anak na sina Xonia at Xalen
Source: Instagram

"All praises, honor and glory to you Dear Father God!!! " ani Lian sa kanyang Instagram post. Pinuri niya ang mga anak sa kanilang tagumpay at pasasalamat sa Diyos para sa gabay at karunungan na ibinigay sa kanila.

Read also

Lie Reposposa, nabahala sa labis na paglalagas ng buhok nya

"Thank you for this wonderful day for Xonia and Xalene. Your gift of wisdom, knowledge and your faithfulness in shaping them all throughout their journey this school year," dagdag ni Lian. Binanggit niya ang pag-unlad ng kanyang mga anak hindi lamang sa akademiko kundi pati na rin sa kanilang espiritwal na buhay.

"Ako'y lubos na nagpapasalamat sa lahat ng pagsusumikap at dedikasyon ng aking mga anak sa kanilang pag-aaral, at higit sa lahat, ang kanilang kagustuhan at komitment na maging mabuting tao. Lahat ng ito ay dahil sa iyong biyaya, oh Lord!♥️," ani pa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kabila ng mga pagsubok at hamon na kinaharap nila, natutunan umano nina Xonia at Xalene na magtiwala sa Diyos. "Even with the setbacks and challenges they face, they learned to trust in you and nothing is ever more beautiful than that. I am confident in your promises lord that everything works for the good for those who love you! according to your purpose!," ani Lian.

Read also

Rosmar Tan, nagbahagi ng kanyang opinyon sa pagsasabit ng money garland tuwing graduation

Pinasalamatan din ni Lian ang Diyos sa kanyang mga pangako at ipinahayag ang kanyang kasiyahan at pagmamalaki sa kanyang mga anak. "Congratulations Xonia!! ⭐️ Congratulations Xalene!!" pagtatapos niya sa kanyang mensahe.

Si Lian Paz na dating EB Babe ang dating asawa ni Paolo Contis. Maaalalang pinag-usapan din noong September 2012 ang hiwalayan ng mag-asawang Paolo at Lian. Sa kasalukuyan, naninirahan sila Lian at ang pamilya nila ni John Cabahug sa Cebu mula nang talikuran nito ang showbiz dahil priority niya ang pamilya nila ni John. Dating basketball player si John at isang businessman sa Cebu.

Matatandaang inalala ng partner ni Lian na si John ang matinding pinagdaanan ng anak nilang si Xalene matapos ang isang taon. Ibinahagi nito ang video kung gaano niya inalalayan si Xalene habang nasa ospital. Ito ay matapos makagat ng aso sa bibig ang anak nila at kinailangang maturukan ng anti rabies. Ibinahagi din ni Lian sa kanyang Instagram story ang post na ito ni John.

Read also

Kim Chiu nang tanungin tungkol sa pelikula ni Gerald Anderson: "Wala po kong maalala, your honor"

Sa isang panayam sa Pika Pika, naibahagi ni John ang tungkol sa kagustuhan niyang maging legal na ama ng mga anak ni Lian sa dati nitong asawang si Paolo Contis. Para sa kanya, kasal na lamang ang kulang sa kanila ni Lian. Aniya, sobrang maayos ang relasyon nilang dalawa. Nag-propose umano siya kay Lian kahit hindi pa natatapos ang annulment ng kasal nina Lian at Paolo at naniniwala siyang dadating din ang panahong kanilang hinintay para makapagpakasal na.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate