Diwata, nakatanggap ng 'Social Media Influencer of the Year' Award

Diwata, nakatanggap ng 'Social Media Influencer of the Year' Award

- Ibinida ng social media personality na si Diwata ang picture niya kasama si Ara Mina at dalawa pang babae

- Kagaya ni Ara, makikitang may hawak din na tropeyo si Diwata

- Nagpasalamat siya sa Asia's Golden icon Awards na siyang nagbigay ng parangal

- Bumuhos naman ang pagbati para kay Diwata na talaga namang lalong sumisikat sa social media at maging sa showbiz

Ibinida ng social media personality na si Diwata ang kanyang tagumpay matapos makatanggap ng 'Social Media Influencer of the Year' award mula sa Asia's Golden Icon Awards.

Sa kanyang Facebook post, makikita si Diwata na kasama ang aktres na si Ara Mina at dalawa pang babae.

Diwata, nakatanggap ng 'Social Media Influencer of the Year' Award
Diwata, nakatanggap ng 'Social Media Influencer of the Year' Award
Source: Facebook

"Nakatanggap tayo Award maraming salamat Asia's Golden icon Awards "Social Media Influencer of the Year," ani Diwata. Kagaya ni Ara Mina, proud na proud din si Diwata habang hawak ang kanyang tropeyo, na sumisimbolo sa kanyang kasikatan at impluwensya sa social media.

Read also

Grand Opening ng Diwata Pares Overload sa Quezon City, dinagsa

Nagpasalamat si Diwata sa Asia's Golden Icon Awards para sa parangal na kanyang natanggap.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga fans at kapwa niya mga personalidad sa social media at showbiz. Patuloy ang pagsikat ni Diwata sa iba't ibang platform, na pinapatunayan ng kanyang mga followers at ang parangal na kanyang natanggap. "Congratulations, Diwata! You truly deserve it!" sabi ng isang netizen, na sinundan pa ng maraming positibong komento.

Ang pagkilala na ito ay nagsisilbing inspirasyon hindi lamang kay Diwata kundi pati na rin sa iba pang mga aspiring social media influencers na nagsusumikap na makilala sa kanilang larangan.

Si Deo Jarito Balbuena na kilala sa online world bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga customer.

Read also

Maja Salvador, isinilang na ang kanilang baby girl: "Our Maria"

Sinagot ni Diwata ang inihayag na opinyon ni Mystica patungkol sa kanya. Sinabi ni Mystica na yumabang na raw si Diwata at tumaas na ang ere matapos nitong sumikat. Para kay Diwata, hindi naman importante sa buhay niya si Mystica kaya hindi na daw dapat niya itong pansinin.Dagdag pa niya, ang pinakamahalaga sa kanya ay ang kanyang negosyo.

Minabuti ni Rosmar Tan na magsalita upang dipensahan si Diwata sa mga negatibong komento. Kabilang na dito ay ang komentong yumabang na raw ito matapos ilabas ng ilang vloggers ang video na tila hindi sila napagbigyan ni Diwata. Ani Rosmar, pinayuhan niya si Diwata na huwag na lang magpakita muna kung kailangan niyang magpahinga kesa makuhanan siya ng video. Aniya, maging siya ay nakakaranas ng hindi maganda mula sa mga nagpapa-picture pero natutunan daw niyang kontrolin ang kanyang emosyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: