Babae na kausap ni Philmar Alipayo sa viral video, nakiusap na huwag silang gawan ng isyu

Babae na kausap ni Philmar Alipayo sa viral video, nakiusap na huwag silang gawan ng isyu

- Nagsalita ang babaeng kausap ni Philmar Alipayo sa isang viral na video

- Aniya, sana ay huwag gawan ng isyu ang tungkol sa kanilang pag-uusap

- Dagdag pa niya, walang laban ang ganda niya sa ganda ng partner ni Philmar na si Andi Eigenmann

- Matatandaang nag-viral ang naturang video at umani ng pambabatikos ang babae sa naturang video na may TikTk handle na @crissshabibi

Nagsalita na ang babaeng nasa viral video kung saan siya ay kausap ni Philmar Alipayo, isang kilalang surfer at partner ng aktres na si Andi Eigenmann. Sa kanyang pahayag, nakiusap siya na huwag nang palakihin ang isyu tungkol sa kanilang pag-uusap.

Babae na kausap ni Philmar Alipayo sa viral video, nakiusap na huwag silang gawan ng isyu
Babae na kausap ni Philmar Alipayo sa viral video, nakiusap na huwag silang gawan ng isyu
Source: TikTok

"Ayaw ninyo butangi ug issue ang pag storya namong philmar wala rata ka kumingking sa ka gwapa ni andi!," ani ng babae na may TikTok handle na @crissshabibi. Dagdag pa niya, "Walang laban ang ganda ko sa ganda ni Andi."

Read also

Coco Martin kay Diwata: "Ang bait niya, nakakatuwa na ang sarap tulungan"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang ang naturang video ay mabilis na nag-viral sa social media at umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens. Marami ang bumatikos sa babae sa video, ngunit nananatiling tahimik si Philmar at Andi tungkol sa naturang isyu.

Si Andi Eigenmann ay isang, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil.

Marami ang natuwa sa bagong video na binahagi ni Andi sa kanilang YouTube channel kung saan binahagi niya ang kanilang bonding moment kasama ang mga anak na sina Ellie, Lilo at Koa sa kanilang bakuran. Gumawa sila ng kanilang DIY experiment na rocketship at makikita ang tuwa sa kanilang mga mukha sa simpleng libangan nila. Marami ang lalong humanga sa simpleng kasiyahan ng mag-iina sa kanilang bahay sa Siargao.

Read also

Melai Cantiveros at Jason Francisco, bumisita sa filming location ng 'Queen of Tears'

Samantala, ayon kay Gabby Eigenmann, nasa plano daw na dadalhin sa Siargao ang abo ng ni Jaclyn Jose pero hindi pa daw ito kumpirmado. Nabanggit daw ni Andi na 'Uwi na tayo Nanay' at aniya ay maraming pwedeng maging ibig sabihin ito. Hindi daw niya makalimutan ang sinabing ito ni Andi na umantig din maging sa mga taong nakarinig niyon. Aniya, ang bagay na hindi niya makakalimutan sa kanyang Tita Jane ay ang pagiging ina nito sa kanyang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel