Ogie, sa pag-reach out sa kanya ni Ivana: "sobrang na-appreciate ko 'yung effort mo"

Ogie, sa pag-reach out sa kanya ni Ivana: "sobrang na-appreciate ko 'yung effort mo"

- Ibinahagi ni Ogie Diaz ang pag-reach out umano sa kanya ni Ivana Alawi

- Ani Ogie, labis umano niyang na-appreciate ang effort ni Ivana na pagkausap sa kanya

- Matatandaang minsang nabanggit ni Ogie na tila hindi raw siya umano napansin ni Ivana sa set ng 'FPJ Batang Quiapo'

- Ngunit ngayon, nasabi ni Ogie na maayos na, at okay na okay na sila sa isa't isa

Naikwento ni Ogie Diaz ang umano'y pag-reach out sa kanya ni Ivana Alawi.

Ogie Diaz, natuwa sa pag-reach out sa kanya ni Ivana Alawi
Ogie Diaz, and Ivana Alawi ( Ivana Alawi Facebook/ Ogie Diaz Facebook)
Source: Facebook

Matatandaang sa naunang episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, nabanggit ni Ogie n tila hindi umano siya napansin ni Ivana nang minsan siyang bumisita sa set ng FPJ Batang Quiapo.

"'Di ba hindi ako pinansin ni Ivana? E nag-exert ng effort si Ivana para... Alam mo 'yun, nagkapaliwanagan kami... na nagkaayos kami,
"Sabi ko nga sa kanya, alam mo sobrang na-appreciate ko yung effort mo. Talagang you went out of your way to reach out. Alam mo yung ganun, sobrang appreciate ko 'yun.g effort mo. Sabi ko, kung nakak-offend sa kanya yung mga naikwento natin dito, 'yung encounter ko sa kanya, na hindi niya ako pinansin, ayun... edi okay naman na kami,

Read also

Rabia Mateo, nag-post ng mensahe para ipakita ang suporta niya kay Alexie Brooks

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Sabi ko next time 'pag meron kang concerns, magtawagan tayo," giit pa ni Ogie.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 17.5 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa mga vlogs ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.

Sa isa sa pinakabagong vlog ni Ivana, nakatulong din siya sa marami dahil sa mga bumibili sa kanya sa pagkukunwaring isang sampaguita vendor, pinapalitan niya ng x1000 ang ibinabayad sa kanya para sa sampaguita. Bukod dito, ang lahat umano ng kikitain ng naturang video ay ihahandog niyang donasyon sa Antipolo church.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel