Marvin Agustin sa Diwata Pares Overload: "Kaya pala pinipilahan"

Marvin Agustin sa Diwata Pares Overload: "Kaya pala pinipilahan"

- Ipinasilip ni Diwata ang pagbisita ni Marvin Agustin sa kanyang Diwata Pares Overload

- Makikita ang naging reaksyon ni Marvin na bukod sa pagiging aktor ay kilala ring restaurateur

- Ipinakita rin ni Diwata kay Marvin ang mga nag-level up na niyang mga lutuan

- Matatandaang kamakailan, kabi-kabilang biyaya ang natanggap ni Diwata mula kay Rosmar

Isa na namang kilalang personalidad ang dumayo sa Diwata Pares Overload.

Marvin Agustin sa Diwata Pares Overload: "Kaya pala pinipilahan"
Marvin Agustin sa Diwata Pares Overload: "Kaya pala pinipilahan" (Diwata Pares Overload Official account YT)
Source: Youtube

Sa YouTube channel na Diwata Pares Overload official, ibinahagi ang ilang kaganapan sa pagbisita ng aktor at restaurateur na si Marvin Agustin.

"Naiinggit na ho ba kayo sa akin?" tanong ni Marvin sa mga nanonood sa kanila.

"Kaya naman pala pinipilahan," nang matikman ni Marvin ang pamosong pares ni Diwata.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Diwata, sinagot ang komento ni Mystica: "Ang importante sa akin, business ko"

Maging ang "siken joy" ni Diwata ay kanya na ring natikman. "Mura na, masarap pa," ang dagdag na komento ni Marvin sa mga pagkaing inihain ni Diwata.

Ipinasilip din ni Diwata kay Marvin ang nag-level up na niyang mga lutuan lalo na ngayong nadagdagan na ang kanyang menu.

Narito ang kabuuan ng video:

Si Deo Jarito Balbuena na kilala bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares Overload na matatagpuan malapit sa GSIS building, Pasay City. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga naging customer at bumabalik-balik sa kanyang kainan. Sa halagang Php100, may pares na ito, unli-sabaw, unli rice at isang boteng softdrinks. Kaya naman hindi nakapagtatakang marami ang matiyagang pumipila sa Diwata Pares Overload.

Kamakailan, matatandaang napanood na si Diwata sa FPJ Batang Quiapo. Sa panayam sa kanya ni Julius Babao, nabanggit ni Diwata na muli pa rin siyang mapapanood sa serye subalit hindi na siya nagbigay ng iba pang mga detalye.

Read also

Diwata, nakatanggap ng mga regalo mula sa mag-asawang Whamos Cruz at Antonette Gail

Samantala, matapos ang pagbibigay ni Rosmar kay Diwata ng bahay, isang milyong piso at iba pa umanong pang kabuhayan, naikwento nitong inalok pa niya ng makeover si Diwata. Natuwa siya sa naging reaksyon nito na aminadong kabado gayung rhinoplasty sana ang ipapagawa para sa kanya. Dahil dito, nasabi ni Rosmar na masarap umanong tulungan si Diwata gayung hindi raw ito abusadong tao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel