Kris Aquino, masaya na tumalab na ang gamot sa kanyang autoimmune disease

Kris Aquino, masaya na tumalab na ang gamot sa kanyang autoimmune disease

- Masaya si Kris Aquino na sa gitna ng nakakabahalang findings sa kanyang puso, ay may magandang balita naman

- Sa post ni Dindo Balares, dating entertainment editor at malapit kay Kris, nabanggit nito na tumalab na ang gamot sa kanyang autoimmune disease

- Ito ay matapos taasan ang dosage nito dahil sa matagal na panahon na pero wala pa ring naging epekto ang gamot sa sakit ni Kris

- Dahil dito ay nais ipaabot ni Kris ang kanyang pasasalamat ngunit aniya ay nangangailangan pa rin siya ng dasal

Masayang ibinahagi ni Kris Aquino ang magandang balita sa gitna ng nakakabahalang findings sa kanyang puso. Ayon sa kanyang kaibigan na si Dindo Balares, dating entertainment editor at malapit sa puso ni Kris, nabahagi ni Kris na tumalab na ang gamot sa kanyang autoimmune disease.

Kris Aquino, masaya na tumalab na ang gamot sa kanyang autoimmune disease
Kris Aquino, masaya na tumalab na ang gamot sa kanyang autoimmune disease
Source: Instagram

Matapos ang ilang taon ng walang progresong pagpapagamot, finally ay mayroon nang positibong resulta sa pagtaas ng dosage ng methotrexate plus Dupixent.

Read also

Kris Aquino, nabahala sa findings ng cardiologist: "There’s a problem with my heart, - genetics"

Malaking tulong din ang sariwang hangin ng Newport Coast sa paggaling ni Kris. Sa kabuuan, nagpapasalamat siya sa mga nagdarasal para sa kanyang kalusugan at naniniwala siya sa bisa ng dasal.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Kris, "Can you please thank everyone praying for me. Please thank everyone praying BUT they have more to pray for."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Sinagot ni Kris ang komento ni Vice Governor Marc Leviste sa kanyang Instagram post. Aniya, pinagpapasalamat niya ang lahat ng ginagawa para sa kanya ni VG Marc pero pinapaalalahanan niya daw ito palagi na mahalaga ang tungkulin niya sa kanyang nasasakupan. Humingi din siya ng pasensya sa mga Batangueño dahil sa oras na iginugugol sa kanya ni VG Marc. Aniya pa, hindi niya na ito gagambalain para makapag-focus na sa kanyang pagseserbisyo sa mga taga-Batangas.

Read also

Andrew Schimmer at mga anak, dinalaw ang puntod ni Jho Rovero nitong Mother's Day

Ayon kay Kris Aquino, nagpapasalamat siya na marami ang nagsasabing gusto nilang bumalik sa showbiz si Kris. Gayunpaman, aniya ay tanggap na ng kanyang puso't isip na hindi na kakayanin ng kanyang katawan na bumalik siya sa pagtatrabaho. Ito ang kanyang sagot sa isang netizen na nagkomento sa kanyang post at nagsabing hinihintay nito ang pagbabalik ni Kris. Ayon pa kay Kris walang lunas ang sakit niyang Churg Strauss o kilala din bilang EGPA.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate