Kris Aquino, nabahala sa findings ng cardiologist: "There’s a problem with my heart, - genetics"

Kris Aquino, nabahala sa findings ng cardiologist: "There’s a problem with my heart, - genetics"

- Naibahagi ni Kris Aquino ang kanyang saloobin kaugnay sa findings ng cardiologist niya

- Naibahagi ng kaibigan niyang si Dindo Balares, dating entertainment editor, ang tungkol sa naging pag-uusap nila ni Kris

- Genetic factors daw ang dahilan ng kanyang problema sa puso lalo at nagkaroon ng isyu sa kalusugan ang kanyang lolo, ama at kuya dahil sa kanilang karamdaman sa puso

- Sa kabila nito ay naging maayos naman ang reaksiyon ng katawan niya sa gamot sa kanyang autoimmune diseases

Nagbahagi si Queen of All Media na si Kris Aquino tungkol sa kanyang kalusugan matapos malaman ang mga findings ng kanyang cardiologist.

Kris Aquino, nabahala sa findings ng cardiologist: "There’s a problem with my heart, - genetics"
Kris Aquino, nabahala sa findings ng cardiologist: "There’s a problem with my heart, - genetics"
Source: Instagram

Ayon sa kanyang kaibigang si Kuya Dindo Balares, dating entertainment editor, ibinahagi ni Kris ang ilang impormasyon tungkol sa kanyang kundisyon.

Sa isang usapan, sinabi ni Kris na mayroong problema sa kanyang puso na dulot ng genetic factors. Dagdag pa niya na mataas ang kanyang cholesterol at triglycerides, na hindi maaaring gamutin sa ngayon dahil sa kanyang mababang timbang.

Read also

Kris Aquino, masaya na tumalab na ang gamot sa kanyang autoimmune disease

Bagamat may mga pagsubok sa kanyang kalusugan, positibo naman ang mga resulta ng ginagawang paggamot sa kanya para sa kanyang autoimmune diseases. Pinasalamatan din niya ang lahat ng nagdarasal para sa kanyang kalusugan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kabuuan, patuloy ang pag-asa lalo na ng mga tagahanga ni Kris sa kanyang laban sa kalusugan.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Sinagot ni Kris ang komento ni Vice Governor Marc Leviste sa kanyang Instagram post. Aniya, pinagpapasalamat niya ang lahat ng ginagawa para sa kanya ni VG Marc pero pinapaalalahanan niya daw ito palagi na mahalaga ang tungkulin niya sa kanyang nasasakupan. Humingi din siya ng pasensya sa mga Batangueño dahil sa oras na iginugugol sa kanya ni VG Marc. Aniya pa, hindi niya na ito gagambalain para makapag-focus na sa kanyang pagseserbisyo sa mga taga-Batangas.

Read also

Sarina Hilario, todo pose sa picture niya para sa Visa: "Akala niya ata photoshoot"

Ayon kay Kris Aquino, nagpapasalamat siya na marami ang nagsasabing gusto nilang bumalik sa showbiz si Kris. Gayunpaman, aniya ay tanggap na ng kanyang puso't isip na hindi na kakayanin ng kanyang katawan na bumalik siya sa pagtatrabaho. Ito ang kanyang sagot sa isang netizen na nagkomento sa kanyang post at nagsabing hinihintay nito ang pagbabalik ni Kris. Ayon pa kay Kris walang lunas ang sakit niyang Churg Strauss o kilala din bilang EGPA.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate