Sarina Hilario, nagulat nang makita ang sarili sa LED screen ng isang kilalang dress shop

Sarina Hilario, nagulat nang makita ang sarili sa LED screen ng isang kilalang dress shop

- Kinaaliwan si Sarina Hilario matapos niyang makita ang sarili sa LED screen ng isang kilalang dress shop

- Makikita sa video na nag-po-pose si Sarina habang kinukuhanan siya ng picture malapit sa LED screen

- Nang makita niya na sarili niya yung nasa LED screen ay tila namangha ito at nagulat

- Napatakip pa ito ng bibig at muling napalingon para mapanuod ang kanyang video

Nagulat si Sarina Hilario nang bigla niyang makita ang kanyang sarili sa malaking LED screen ng isang kilalang dress shop.

Sarina Hilario, nagulat nang makita ang sarili sa LED screen ng isang kilalang dress shop
Sarina Hilario, nagulat nang makita ang sarili sa LED screen ng isang kilalang dress shop
Source: Facebook

Sa isang video na binahagi sa social media, makikita si Sarina na nag-po-pose habang kinukuhanan siya ng litrato malapit sa isang LED screen sa sikat na fancy dress shop.

Ngunit, nang biglang makita ni Sarina na siya mismo ang nasa screen, hindi niya mapigilang mapatakip sa kanyang bibig at mapalingon muli upang masaksihan ang kanyang sarili sa video.

Read also

Andrew Schimmer at mga anak, dinalaw ang puntod ni Jho Rovero nitong Mother's Day

Ang kanyang reaksyon ay nagpahayag ng kanyang pagkamangha at pagkagulat sa hindi inaasahang pangyayari.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kabila ng kanyang pagkagulat, tila natuwa naman si Sarina sa kanyang nakita.

Si Jhong Hilario ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Streetboys kasama si Vhong Navarro na kasalukuyan niya ring kasama sa noontime show na It's Showtime.

Matatandaang ibinida ni Jhong ang video nila ng anak niyang si Sarina sa kanyang Instagram post. Makikita ang mag-ama na nakaupo sa tapat ng isang piano habang nagpipindot si Sari habang kumakanta. Sa caption ng naturang post ni Jhong ay sinabi niyang "Tong Tong Tong" at "Do Re Mi" mashup ang kinanta ng anak. Marami ang naaliw at natuwa sa pagiging biba ng anak ni Jhong na tinatawag niya ding Sample Princess hango sa bansag sa kanya bilang Sample King.

Read also

Karylle, nakwentong na-trash talk nang subukang mag-ML: "Sumakit yung damdamin ko"

Kinaaliwan ang post ni Jhong na video kung saan makikita ang pagkanta ng anak niyang si Sarina. Habang nakahiga ay pinakanta ni Jhong ang anak ng awiting "Moon River" at agad namang itong sumunod. Malimit na magbahagi si Jhong ng video ng kanyang anak na talaga namang kinaaliwan ng netizens dahil sa pagiging biba nito. Kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang unang kaarawan ang anak ni Jhong at ng partner niyang si Maia Leviste Azores.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate