Pancho Magno, binati si Max Collins sa pagdiriwang ng Mother's Day

Pancho Magno, binati si Max Collins sa pagdiriwang ng Mother's Day

- Binati ni Pancho Magno si Max Collins sa pagdiriwang ng Mother's Day

- Ang Kapuso stars na sina Pancho at Max ay nasa isang co-parenting set-up para sa kanilang anak na si Skye Anakin

- Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ni Pancho ang Mother's Day post ni Max

- Sa Mother's Day, ibinahagi naman ni Max ang larawan nila kasama ang anak na si Skye Anakin at nagpadala ng mensahe ng pagbati sa mga kapwa niya ina

Sa gitna ng kanilang co-parenting set-up para sa kanilang anak na si Skye Anakin, hindi nakalimutan ni Pancho Magno na iparating ang kanyang pagbati kay dating asawa na si Max Collins sa pagdiriwang ng Mother's Day nitong Mayo 12.

Pancho Magno, binati si Max Collins sa pagdiriwang ng Mother's Day
Pancho Magno, binati si Max Collins sa pagdiriwang ng Mother's Day
Source: Instagram

Ibinahagi ng celebrity dad ang Mother's Day post ng kanyang dating asawa na si Max Collins sa kanyang Instagram story at idinagdag ang mensahe, "Happy Mother's Day! @maxcollinsofficial."

Read also

Zeinab Harake, kumasa sa Marimar trend; inspirasyon si Marian Rivera

Pancho Magno, binati si Max Collins sa pagdiriwang ng Mother's Day
Pancho Magno, binati si Max Collins sa pagdiriwang ng Mother's Day
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa araw ng mga ina, ibinahagi naman ni Max ang larawan nila ng kanyang anak na si Skye Anakin at isang maikling ngunit mapusong mensahe para sa kanyang mga kapwa ina.

"Happy Mother’s Day to all the strong women out there!" aniya sa kanyang post.

Sa isang episode ng Fast Talk with Boy Abunda noong Mayo 2023, kinumpirma ni Max ang kanilang paghihiwalay ni Pancho Magno at ibinahagi kung paano sila nagkaroon ng magandang ugnayan bilang mga magulang.

Ikinasal sina Pancho at Max noong December 2017 pagkatapos ng limang taon ng kanilang pagiging magkasintahan. Matatandaang noong nakaraang taon ipinanganak ni Max ang anak nilang si Skye sa pamamagitan ng water birth.

Umani naman ng samu't-saring reaksiyon ang ibinahaging picture ni Max na nagpapakita ng kanyang post-pregnancy body. Ibinahagi din nina Max at Pancho ang kanilang karanasan sa hanggang tuhod na baha noong kasagsagan ng pananalanta ng bagyong Ulysses.

Read also

Kaila Estrada, one take lang ang 'Bettina' confession scene sa CBML

Sa isang vlog ay pinakita ng Kapuso star na si Max ang kanyang townhouse na pinarerenovate niya. Siyam na taon na ang bahay mula nang mapasakanya umano iyon kaya marami siyang magagandang alaala sa bahay na iyon. Sa kanyang vlog, pinakita ni Max ang iba't-ibang bahagi ng townhouse at ang mga bagay na pinabago niya sa kanyang bahay. Ayon pa kay Max, naging emosyonal siya sa pamamaalam niya sa unang bahay na kanyang binili.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel