Dianne Medina sa 'pool issue': 'Pag anak ko na ang involved, iba na ‘yan'

Dianne Medina sa 'pool issue': 'Pag anak ko na ang involved, iba na ‘yan'

- Muli ay nagsalita si Dianne Medina kaugnay sa issue mula sa post niya na inflatable pool sa loob ng bahay nila

- Aniya, kaya siya nagsalita at sumagot dahil anak niya na ang a-ba- bash ng ibang tao

- Nilinaw rin ni Dianne na labis siyang nalulungkot sa mga negatibong puna na kanilang natatanggap kaugnay dito

- Sa pagtatapos ng panayam, nagbigay ng mensahe si Dianne para sa pagdiriwang ng Mother's Day

Muling nagbigay ng pahayag si Dianne upang depensahan ang kanyang anak na si Joaquin na binabatikos din ng ilang netizens sa social media. Sa isang panayam sinabi ni Dianne na labis siyang nalulungkot sa mga negatibong puna na kanilang natatanggap.

Dianne Medina sa 'pool issue': 'Pag anak ko na ang involved, iba na ‘yan'
Dianne Medina sa 'pool issue': 'Pag anak ko na ang involved, iba na ‘yan'
Source: Instagram

May ilan pa umanong nagsasabing "patola" daw siya o nagre-reply lang daw siya. “May mga nagsasabi pa na ‘patola’ daw or nagko-comment back ako. Yes, I would do that because it involves my son already, because they were all parang bashing Joaquin na,” sabi pa niya.

Read also

Sandara Park, naiyak nang muling makita ang class adviser niya noong nag-aral siya sa Pasay

Sa kanyang pahayag, ipinaliwanag niya na may iba't ibang estilo ng pagiging magulang o pag-aalaga sa anak. Pinili raw nila ng mister ang "gentle parenting" o "kalayaan na may limitasyon at hangganan."

"Sa society, may lumalabas na ganyan na hindi mo naman kailangang sigawan ang anak mo when you’re trying to discipline your child. Iba-iba kasing attack ‘yan…whatever works for you,”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa pagtatapos ng panayam, nagbigay ng mensahe si Dianne para sa pagdiriwang ng Mother's Day.

"To all the mamas out there, to all the pregnant moms also like me, know that you’re doing a great job,” sabi niya.

“You are a woman contributing not just, you know, on the continuation of life, but we are here to help shape the future of this world by being good parents and role models to our children.”

Read also

Ivana Alawi, kumita ng milyon-milyon sa loob ng anim na oras sa live selling: "eight digits!"

Si Dianne Medina ay isang kilalang personalidad sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Siya ay isang artista, TV host, at modelo. Nagsimula si Dianne sa kanyang karera sa pag-aartista noong dekada 2000, kung saan siya ay naging bahagi ng ilang TV shows at pelikula. Isa sa kanyang mga unang malalaking papel ay sa pelikulang "Gagamboy" noong 2004. Matapos ito, sumunod ang mga proyektong tulad ng "D' Anothers" at "Kutob".

Matatandaang nag-upload si Rodjun ng isang viral na video ng kanyang sarili kasama ang kanyang anak. Sa viral na video, makikita si Joaquin na hinahalikan ang kanyang ama. Ito ay nakaantig sa puso ng ilang netizens sa social media.

Si Dianne ay nag-upload sa Instagram ng maraming bagong litrato kamakailan. Sa mga litrato, makikita si Rodjun Cruz at ang kanyang anak na si Joaquin na humahalik sa kanyang tiyan. Nagpasalamat siya sa Diyos sa pagtugon sa kanilang mga panalangin at sa pagpapala sa kanila ng isang bagong sanggol.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate