Sandara Park, naiyak nang muling makita ang class adviser niya noong nag-aral siya sa Pasay

Sandara Park, naiyak nang muling makita ang class adviser niya noong nag-aral siya sa Pasay

- Binalikan ni Sandara Park ang dating paaralan niya sa Pasay kasama ang kanyang ka-grupo sa 2NE1 na si Minzy

- Sa kanyang video na binahagi sa kanyang YouTube channel ipinasyal niya si Minzy habang binabalikan ang mga karanasan niya noong

- Nang pumasok sila sa Philippine Pasay Chung Hua Academy, nabigla si Sandara na muling makita ang kanyang class adviser noong Grade 6 siya

- Hindi nito napigilang maiyak na makita ang teacher niya na aniya ay mabait

Sa pinakabagong episode ng "Dara Tour" sa YouTube channel ni Sandara Park o mas kilala bilang Dara, nagpunta siya kasama ang kapwa miyembro ng 2NE1 na si Minzy sa Philippine Pasay Chung Hua Academy (PPCHA) kung saan siya nag-aral noong elementarya.

Sandara Park, naiyak nang muling makita ang class adviser niya noong nag-aral siya sa Pasay
Sandara Park, naiyak nang muling makita ang class adviser niya noong nag-aral siya sa Pasay
Source: Youtube

Matagal na nanirahan sa Pilipinas si Sandara at ang kanyang pamilya bago siya sumikat sa 2NE1 noong 2009. Sa Pilipinas rin nagsimula ang kanyang career sa showbiz.

Read also

Barbie kay Alden bilang co-star: "ramdam ko 'yung care niya sa'kin"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dalawampung taon na ang nakalilipas mula nang siya ay nagtapos ng high school. Sa kanilang video ay isinama ni Sandara si Minzy sa kanyang dating paaralan.

Nang makarating sila sa gate ng PPCHA, sabi ni Sandara, "Oh, it's my school! It's a Chinese school. That's why I was good at Chinese."

Bago pumasok sa paaralan, sinabi ni Sandara, "“It feels strange. Even though I visit the Philippines often, I never thought to visit this neighborhood or my old school.”

Habang nag-uusap sila sa loob ng silid-aralan, may isang babae na pumasok.

“Sandara, remember me?” tanong ng babae kay Sandara na sumagot, “Yes! You're still here!”

Nagyakapan sila ng adviser niya at hindi napigilang maiyak ni Sandara, Nice to see you!”

“I was your adviser, remember? I was her teacher and her adviser. I was her adviser when she was in Grade 6,” sabi ng babae tungkol kay Sandara.

Read also

Ivana Alawi, kumita ng milyon-milyon sa loob ng anim na oras sa live selling: "eight digits!"

Inilarawan niya si Sandara bilang napakatahimik kaya hindi nila inasahan na sisikat siya. Lumabas at nagbloom.

“You know what makes us proud is she was able to learn Filipino and communicate with everybody because before, she wasn't like that,” sabi ng teacher tungkol kay Sandara.

Si Sandara Park ay isang sikat na artista at mang-aawit mula sa South Korea. Nakilala siya sa iba't-ibang panig ng daigdig matapos mapabilang sa KPop group na 2NE1. Bago ang kanyang karera sa musika, sumali siya sa isang reality competition show sa Pilipinas noong dekada '90 na pinamagatang "Star Circle Quest," kung saan siya'y naging isang finalist. Matapos ang kanyang pananatili sa Pilipinas, bumalik siya sa South Korea upang sumali sa industriya ng K-pop.

Kamakailan ay kinaaliwan ang binahaging pictures at video ni Sandara na kuha sa kanyang pagpunta sa Dubai kamakailan. Makikita ang kanyang reaksiyon sa makapigil hiningang pag-slide niya sa Sky Views sa Dubai. Gawa sa salamin ang ilang bahagi ng sahig at maging ang slide kung saan siya nagpadausdos pababa kaya hindi napigilang mapasigaw ni Sandara. Sa isang picture ay napagapang pa ito sa salamin na sahig kung saan makikita kung gaano kataas ang kanyang kinaroroonan.

Read also

Dingdong, sa naungkat na isyung nabuntis niya umano si Lindsay De Vera: "that is not true"

Kamakailan ay ibinida ni Sandara ang kanyang awiting "In or Out" sa kanyang Instagram post. Makikita ang K-Pop superstar na sumasayaw sa saliw ng awiting kanyang pinasikat matapos niyang maging bahagi ng Star Circle Quest. Marami naman ang naaliw at natuwa sa ginawang ito ni Sandara dahil sa kabila ng kasikatan ay hindi ito nakakalimot. May mga nagmungkahi pang dapat gawing Global Tourism Ambassador for the Philippines si Sandara.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate