Rosmar, natikman na ang pares ni Diwata: "'Di masarap... Sobrang sarap!"

Rosmar, natikman na ang pares ni Diwata: "'Di masarap... Sobrang sarap!"

- Natikman na ni Rosmar Tan ang sikat na pares ni Diwata

- Kasama rin ang "siken joy" at barbecue na mga bago sa menu ng Diwata Pares Overload

- Nagbiro pa umano itong hindi masarap ang ang nakain, sabay sabing sobrang sarap nito

- Matatandaang nag-viral kamakailan si Rosmar nang handugan niya ng mga biyaya si Diwata

Natikman na rin ni Rosmar Tan Pamulaklakin ang pamosong pares ni Diwata.

Rosmar, natikman na ang pares ni diwata: "'Di masarap... Sobrang sarap!"
Rosmar, natikman na ang pares ni diwata: "'Di masarap... Sobrang sarap!" (Alvin TV Facebook)
Source: Facebook

Sa video na ibinahagi ng Alvin TV, nakuha pa umanong magbiro ni Rosmar na hindi raw ito masarap.

"Hindi masarap... Sobrang sarap!" ani Rosmar na natikman din ang iba mga bago sa menu ni Diwata, ang "siken joy" at barbecue.

Sa post mismo ni Rosmar, hindi na raw niya inanunsyo ang pagpunta nila sa pwesto ni Diwata dahil sa dami ng tao doon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Boobay, umano'y hinimatay habang nagho-host; bumalik sa stage nang magkamalay

"Finally natikman ko na din ang napakasarap na PARES, SIKEN JOY, BBQ ng nag iisang diwata. Sorry di ko na inannounce pag punta ko dun HAHAHA kasi nakakapagod dami tao HAHAHA. Pinost ko kasi nakaalis na kami," ani Rosmar.

Samantala, narito ang kabuuan ng video:

Si Deo Jarito Balbuena na kilala bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares Overload na matatagpuan malapit sa GSIS building, Pasay City. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga naging customer at bumabalik-balik sa kanyang kainan. Sa halagang Php100, may pares na ito, unli-sabaw, unli rice at isang boteng softdrinks. Kaya naman hindi nakapagtatakang marami ang matiyagang pumipila sa Diwata Pares Overload.

Kamakailan, matatandaang napanood na si Diwata sa FPJ Batang Quiapo. Sa panayam sa kanya ni Julius Babao, nabanggit ni Diwata na muli pa rin siyang mapapanood sa serye subalit hindi na siya nagbigay ng iba pang mga detalye.

Read also

Rosmar, sinabing masarap tulungan si Diwata: "Ramdam mo na di siya abusadong tao"

Samantala, matapos ang pagbibigay ni Rosmar kay Diwata ng bahay, isang milyong piso at iba pa umanong pang kabuhayan, naikwento nitong inalok pa niya ng makeover si Diwata. Natuwa siya sa naging reaksyon nito na aminadong kabado gayung rhinoplasty sana ang ipapagawa para sa kanya. Dahil dito, nasabi ni Rosmar na masarap umanong tulungan si Diwata gayung hindi raw ito abusadong tao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel