Kim Chiu, hindi nakaligtas sa pangangantiyaw ng co-hosts: "Huwag gano'n, hindi masakit"

Kim Chiu, hindi nakaligtas sa pangangantiyaw ng co-hosts: "Huwag gano'n, hindi masakit"

- Kinaaliwan ang reaksiyon ni Kim Chiu sa pasimpleng kantiyaw ng kanyang It's Showtime family

- Ito ay matapos lumabas ang balitang pag-amin ng dati nitong nobyo na si Xian Lim na may bago na itong karelasyon

- Sa episode ng "Showtime," nagsimula ang panunukso sa aktres nang bigyang-diin niya ang husay sa pagkanta ng mga may pangalang "Kim"

- Hindi nakapagpigil si Jhong Hilario na magtanong nang deretsahan, "Gusto mo interbyuhin ka na lang namin?"

Hindi nakaligtas si Kim CHiu sa pangungulit ng kanyang co-host sa "It's Showtime." Ito ay matapos lumabas ang balita ng pag-amin ng kanyang dating nobyo na si Xian Lim na may bagong karelasyon na ito.

Kim Chiu, hindi nakaligtas sa pangangantiyaw co-hosts: "Huwag gano'n, hindi masakit"
Kim Chiu, hindi nakaligtas sa pangangantiyaw co-hosts: "Huwag gano'n, hindi masakit"
Source: Youtube

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa episode ng "Showtime" ngayong Biyernes, nagsimula ang panunukso sa aktres nang bigyang-diin niya ang husay sa pagkanta ng mga may pangalang "Kim," na kaugnay sa performance ng grand winner ng "TNT Kids Season 2" na si Kim Hewitt.

Read also

Cedric Lee, sumailalim sa medical check-up sa NBI matapos tumaas ang kanyang blood pressure

"We love all the Kims and we love you Kimmy," sabay yakap kay Kim ni Anne Curtis.

"Gusto mo bang magsampol Kim?" biro naman ni Vhong Navarro.

"Anong gusto mong kantahin?" tanong pa ni Anne.

Ngunit hindi nakapagpigil si Jhong Hilario na magtanong nang deretsahan, "Gusto mo interbyuhin ka na lang namin?"

Sagot naman ni Kim, "Huwag gano'n, hindi masakit."

Nagbigay-linaw kamakailan si Xian Lim sa isang panayam sa Esquire tungkol sa kanyang bagong relasyon kay Iris Lee, producer ng VIVA Films. Ito ay matapos ang pag-amin ni Chiu noong Disyembre 2023 tungkol sa pagtatapos ng kanilang relasyon ni Lim, na kanyang kasama sa maraming proyekto sa telebisyon at pelikula.

Si Kim Chiu ay isang kilalang artista at personalidad sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Isinilang siya noong April 19, 1990, sa Tacloban City, Leyte, Philippines. Unang sumikat si Kim Chiu noong sumali siya sa reality show na "Pinoy Big Brother: Teen Edition" noong 2006, kung saan siya ang nagwaging big winner. Matapos manalo sa PBB, naging bahagi siya ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, at nagsimula nang magkaruon ng mga proyektong telebisyon at pelikula.

Read also

Cedric Lee: "Hindi naman dapat magkaroon ng life imprisonment para sa bugbugan lang"

Sa post ni Kim, binahagi niya ang saloobin na nakabalik na siya sa pagtatrabaho matapos ang mahigit isang linggo. Sa kanyang pagbabalik-trabaho, aniya ay mas naging makahulugan sa kanya ang linyang “Umulan man o Umaraw. Kahit ang dulo ay di matanaw." Bahagi ito ng lyrics sa opening song ng noontime show na "It's Showtime."

Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate