Cedric Lee, sumailalim sa medical check-up sa NBI matapos tumaas ang kanyang blood pressure

Cedric Lee, sumailalim sa medical check-up sa NBI matapos tumaas ang kanyang blood pressure

- Matapos sumuko ni Cedric Lee sa National Bureau of Investigation ay tumaas umano ang blood pressure nito

- Sa isang video na binahagi ng ABS-CBN News, makikitang sinusuri ang presyon ng dugo nito habang nasa NBI

- Matatandaang sumuko so Lee sa NBI at may namagitan sa kampo ni Lee at ng NBI na nagsabing gusto nang sumuko ng negosyante

- Kabilang si Lee sa nahatulang guilty sa kasong isinampa ni Vhong Navarro na kasong serious illegal detention

Matapos sumuko ni Cedric Lee sa National Bureau of Investigation (NBI), naiulat na tumaas ang kanyang blood pressure ayon sa ABS-CBN na nagbahagi ng isang video.

Cedric Lee, sumailalim sa medical check-up sa NBI matapos tumaas ang kanyang blood pressure
Cedric Lee, sumailalim sa medical check-up sa NBI matapos tumaas ang kanyang blood pressure
Source: Facebook

Sa naturang video na binahagi ng ABS-CBN News, makikitang sinusuri ang presyon ng dugo ni Lee habang nasa loob ng NBI. Ang nasabing insidente ay naganap matapos ang pagtanggap ng ahensya sa kanya matapos ang hatol ng guilty sa kasong serious illegal detention na isinampa ni Vhong Navarro.

Read also

Cedric Lee: "Hindi naman dapat magkaroon ng life imprisonment para sa bugbugan lang"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang kabilang si Lee sa mga nahatulang guilty sa nasabing kaso, at may namagitan sa kampo ni Lee at ng NBI na nagpahayag ng kagustuhan ng negosyante na sumuko.

Si Cedric Lee ay isang negosyante na nasangkot sa isang kontrobersiya kaugnay sa pagkakabugbog sa actor/TV host na si Vhong Navarro. Bukod sa kanya, kinasuhan ni Vhong sina Deniece Cornejo at dalawa pang kasamahan nila.

Matatandaang nagkaroon ng update ukol sa kaso nina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at dalawa pang akusado. Sila ay hinatulang guilty sa kasong serious illegal detention for ransom na isinampa ni Vhong Navarro. Ipinahayag ito ni Atty. Alma Mallonga, ang abogado ni Navarro ang tungkol sa naging hatol ng Taguig Regional Trial Court. Agad na iniutos ng korte na ikulong si Cornejo, habang ipinag-utos naman ang pag-aresto kay Lee dahil hindi ito dumalo sa pagpapalabas ng hatol sa kaso.

Nagbigay ng pahayag ang negosyanteng si Cedric Lee matapos niyang sumuko sa NBI. Matatandaang nahatulan siya at ilan pang kasamahan na guilty sa serious illegal detention case sa kanya ng aktor na si Vhong. Ayon pa kay Lee, dedepensahan niya ang sarili niya hanggang sa huli. Iginiit din niyang hindi nila idinitene si Navarro sa insidente noong 2014.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate