Diwata sa gumagaya sa negosyo niya: "Im the original, pirated lang kayo"
- Pabirong nagbigay ng mensahe si Diwata sa mga gumagaya sa kanyang negosyo na Diwata Pares Overload
- Aniya, wala namang problema sa mga gumagawa din at gumagaya sa kanyang tinda pero aniya siya pa rin ang original
- Biro pa niya, pirated lang ang mga taong gumagaya sa kanyang paresan na talaga namang pinipilahan hindi lamang ng mga customers kundi pati ng mga vloggers
- Nauna na rin niyang nabanggit na wala namang masama sa ganun kasi tao pa rin ang masusunod kung saan nila gusto kumain
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ipinaabot ni Diwata, ang kilalang negosyanteng may-ari ng Diwata Pares Overload, ang kanyang saloobin sa mga taong gumagaya sa kanyang negosyo.
Ipinaalam ni Diwata na wala siyang isyu sa mga gumagaya at gumagawang katulad ng kanyang negosyo. Ngunit pabirong ipinunto niya na siya pa rin ang orihinal. "Wala namang problema sa mga gumagawa at gumagaya din, pero ako pa rin ang original," aniya.
Sa isang biro, sinabi niya na ang mga taong gumagaya sa kanyang paresan ay "pirated" lamang. Ang Diwata Pares Overload ay kilalang pinipilahan ng mga customer at pati na rin ng mga vloggers, na nagpapatunay sa tagumpay ng kanyang negosyo.
Nauna na rin niyang binanggit na walang masamang hangarin sa mga taong nais sumubok ng kanilang mga produkto. Ayon sa kanya, ang mahalaga ay ang kalayaan ng tao na pumili kung saan nila gustong kumain.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa kabuuan, ang mensahe ni Diwata ay nagpapakita ng kanyang positibong pananaw at respeto sa kanyang mga katunggali sa negosyo, pati na rin sa kanyang mga customer na patuloy na sumusuporta sa kanyang paresan.
Si Deo Jarito Balbuena na kilala sa online world bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga customer.
Matatandaang nagbahagi ng mensahe si Diwata para sa mga bashers niya na nagsasabi ng masasamang bagay tungkol sa kanya at sa kanyang negosyo. Aniya, hindi madumi ang pagkain niya at ang madumi ay ang ugali ng mga bashers niya. Tinuligsa niya ang kanilang mga saloobin at hinimok silang linilisin ang ugali ng mga ito. Binigyang-diin ni Diwata na ang kanyang layunin ay simpleng makabangon sa kahirapan.
Binahagi ni Alex Gonzaga ang pagpunta nila ni Mikee Morada sa sikat at pinipilahang Diwata Pares. Naroroon din ang may-ari nito na si Diwata at nakita ito sa video na binahagi ni Alex na tila galit. Dahil hindi pa buo at pasilip lamang ang binahagi ni Alex, may mga nakapag-isip na malamang ay na-prank ni Alex si Diwata kaya tila nakasimangot ito. Sa iba pang video na naibahagi online, nanlibre si Alex sa mga taong naroroon at nagbigay siya ng 50,000 pesos para ipangbayad sa pagkain ng mga naroroon at pumipila.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh