JoshLia, nagbabalik; bibida sa pelikulang "Un/happy For You"

JoshLia, nagbabalik; bibida sa pelikulang "Un/happy For You"

- Nagbabalik ang tambalan nina Joshua Garcia at Julia Barretto

- Ito ay sa pelikulang pagtatambalan nila sa ilalim ng Star Cinema

- Ilang araw bago ang kanilang rebelasyon, nag-iwan ng palaisipan ang Star Cinema sa tambalang magbabalik

- Inakala pa ng marami na si Kathryn Bernardo ang aktres sa teaser at iba't ibang leading man nito ang nabanggit

Balik-pelikula ang isa sa mga kilalang love team sa bansa na "JoshLia" na binubuo nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

JoshLia, nagbabalik; bibida sa pelikulang "Un/happy For You"
JoshLia (ABS-CBN Star Cinema)
Source: Facebook

Ngayon Abril 24, masayang isinapubliko ng ABS-CBN at Star Cinema ang muling pagsasama ng nasabing tambalan sa pelikulang "Un/happy for you"

"Hindi kayo namamalikmata. This is real, We have Joshua and Julia right before our eyes," ang nabanggit ng host na si MJ Felipe nang humarap sa press ang dalawa.

Inulan agad ng positibong komento ang post ng Star Cinema kung saan pinakita na rin nila ang teaser ng pagbabalik pelikula ang "Un/happy for you"

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Bagay na bagay pa rin kayo. Excited na ako sa movie niyo"
"My JoshLia heart. 'Di ko akalain na mangagayri ulit ito"
"Kapag talagang maayos ang naging hiwalayan ng couple, walang problema magkatrabaho man sila"
"Galing naman ng JoshLia.Kinaya nila ulit na magkasama"

Narito ang kabuuan ng video mula sa ABS-CBN News:

Si Julia Barretto ay isang aktres sa Pilipinas. Anak siya ng mga artistang sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla. Minsan na rin niyang nakarelasyon si Joshua Garcia at sa kasalukuyan, nobyo niya ang aktor na si Gerald Anderson.

Matatandaang muling naging usap-usapan si Julia matapos na mag-post ng ama nitong si Dennis Padilla ng mensahe niya para sa mga anak kay Marjorie Barretto noong nakaraang taon 2022. Sinabi niya sa mga ito na nakalimutan siyang batiin ng mga anak noong Father's Day. Agad din niyang binura ang kanyang post ngunit marami na ang nakakita nito.

Subalit sa kaarawan ni Dennis ngayong taong 2024, tila isa itong hudyat ng magandang simula ng taon nang makatanggap siya ng mensahe mula sa anak na si Julia. Aminado si Dennis na naging emosyonal siya sa mensahe at sana'y makausap at makasama na rin niya si Julia, maging sina Claudia at Leon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel