Cristy Fermin, hindi naniniwalang promo lang umano ang madalas na pagsasama ng KathDen

Cristy Fermin, hindi naniniwalang promo lang umano ang madalas na pagsasama ng KathDen

- Hindi raw naniniwala si Cristy Fermin na promo lamang umano ang madalas na pagsasama nina Kathryn Bernardo at Alden Richards

- Ito ay matapos na mapabalitang kasado na 'di umano ang "Hello Love Goodbye part 2"

- Naikwento rin ni Cristy na ilang mga kaibigan niya sa Canada ang nagsabing naroon na ang staff ng Star Cinema para maghanap ng lokasyon

- Matatandaang ang "Hello Love Goodbye" nina Alden at Kathryn ang isa sa naging top grossing film ng Pilipinas

Tinalakay nina Cristy Fermin, Rommel Chika at Wendell Alvarez ang nababalitang tila promo lamang umano ang closeness ngayon nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Cristy Fermin, hindi naniniwalang promo lang ang madalas na pagsasama ng KathDen
Kathryn Bernardo and Alden Richards (@bernardokath/ @niceprintphoto)
Source: Instagram

Ito ay dahil maugong na umano ang part 2 ng pelikula nilang Hello Love Goodbye.

"'Eto na, ang sabi nila kaya raw napapabalitang nanliligaw na itong si Tisoy kay Kathryn ay promo na raw ito. Ako, di ko pinaniniwalaan 'yun," ani Cristy.

Read also

Cristy Fermin, inalmahan ang nagkalat na mga fake news: "Naku, mag-ingat po tayo"

Matatandaang napabalita na rin ang isa umanong source ni Ogie Diaz ang nagsabing nanliligaw na talaga si Alden kay Kathryn.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, naikwento ni Cristy na maging ang mga kaibigan niya sa Canada ang nagsasabing naroon na ang staff ng pelikulang pagbibidahan muli ng KathDen.

"Tuloy na tuloy na po ang part 2 ng ating minahal na Hello Love Goodbye nina Alden Richards at Kathryn Bernardo."

"Mga kaibigan ko mismo sa Alberta, Canada ang nagkikwento na nandun na po ang staff ng Star Cinema pati si Direk Cathy... Ay nadun na po at nagsa-scout sila ng mga lugar lugar location hunting, e Alberta po yan. Nandiyan po ang pinakamagagandang lugar," giit pa ni Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube:

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Read also

Jericho Rosales, 'di raw naghahanap ng new love ngayong 2024: "Too early for that"

At noong Nobyembre 30 sa natapos na taong 2023, halos sabay na kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay na matagal nang naging bali-balita noon bago pa man ipalabas ang pelikula ni Kathryn na A Very Good Girl. Sa pamamagitan ng kani-kanilang post, naglahad ng saloobin ang dalawa upang ipaunawa lalo na sa kanilang mga fans ang parehong desiyon na mayroon pa rin umanong respeto at pagmamahal.

Samantala madalas na makitang present si Alden Richards sa mga kaganapan sa buhay ni Kathryn kamakailan. Mula sa birthday celebration nito sa El Nido, at surpresang party ng ilang mga kaibigan hanggang sa housewarming nito kamakailan, kapansin-pansin ang madalas na pagsasama umano ng dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel