Joey de Leon, bumida bilang "Presidente Ganda" sa Eat Bulaga; binati kanyang ‘Vice’ at ‘Ion’
- Kinaaliwan si Joey de Leon sa kanyang pag-ala 'Presidente Ganda' sa "Eat Bulaga"
- Binati niya ang aniya'y kanyang vice at ang kanyang loves na si Ion
- Nakasuot siya ng blonde wig at pink na pink na damit at nagpakilala bilang si "Precy," isang malikhaing pangalang mula sa "Presidente Ganda"
- Matapos niyang batiin si Ion, tinanong siya ni Allan K kung sino si Ion at hirit ni Joey, si Ion Veneracion daw
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa isang natatanging episode ng noontime variety show na "Eat Bulaga", nagpakitang-gilas si Joey de Leon bilang "Presidente Ganda" habang binabati ang kanyang "Vice" at ang kanyang loves na si "Ion."
Sa espesyal na episode para sa kaarawan ni Vic Sotto nitong Sabado, Abril 20, lumabas si Joey nang nakasuot ng blonde wig at pink na pink na dress, na nagpakilala bilang si "Precy," isang malikhaing pangalang mula sa "Presidente Ganda."
"Ang pangalan ko po ay Precy, short for Presidente. Presidente Ganda, okay? Dahil nandito ako, gusto ko rin batiin ang aking Vice, hi! Hello, Presidente Ganda reporting," dugtong pa niya.
Hindi rin nagpahuli si Joey sa pagbati sa kanyang "loves" na si "Ion."
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
"Ay, batiin ko rin ‘yung loves ko, si Ion."
"Sinong Ion?" tanong naman ni Allan K, ang kanyang co-host.
"Ion Veneracion, sino ba?" sagot ni Joey. "Noong past life namin anak ko ‘yun. Ngayon, love team na kami."
Ang ganitong pagganap ni Joey bilang "Presidente Ganda" ay sumunod matapos niyang linawin kamakailan na hindi nila talaga kaaway ang katapat nilang noontime show na "It's Showtime" kung saan ang isa sa mga pangunahing host ay si "Vice Ganda."
Si Joey de Leon ay isang actor, comedian at TV host sa Pilipinas. Isa siya sa mga nirerespestong haligi ng industriya ng showbiz kung saan unang nakilala sa trio nilang Tito, Vic and Joey sa Eat Bulaga.
Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, nasabi ni Joey na ang pagkakaisip niya ng pangalan ng 'Eat Bulaga' ang maituturing niyang greatest legacy. Naikwento niya rin kung saan niya nakuha ang ipinangalan sa ngayo'y itinuturing na longest-running noontime show sa bansa. Naibahagi pa ni Joey ang pagsisimula ng TVJ (Tito, Vic and Joey) na ngayo'y nasa 50 taon na sa industriya ng showbiz. Sa ngayon, ika-44 taon na ng Eat Bulaga na patuloy na naghahatid saya sa pananghalian ng mga Pilipino.
Naging usap-usapan sa Twitter ang umano'y pagre-require sa mga estudyante ng Brentwood Dasmariñas na manood ng My Teacher. Nakarating na rin mismo sa programa ni Ogie Diaz ang bali-balitang ito subalit wala pa rin umanong kumpirmasyon. Mayroon din umanong permission letter mula sa paaralan ang kumakalat at makikitang January 10 ang naturang viewing ng school. Nabanggit din umano sa naturang sulat na ang ticket, pamasahe at snacks ay sagot pa rin ng estudyante.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh