Rendon Labador, aminadong na-motivate sa P100 meal ni Diwata

Rendon Labador, aminadong na-motivate sa P100 meal ni Diwata

- Binahagi ni Rendon Labador ang kanyang pagpunta sa Diwata Pares kung saan dinatnan niya ang maraming kostumer na pumipila

- Nagdala siya ng litson para kay Diwata kasabay ng kanyang panayam sa sikat na food business owner ng sa kasalukuyan ay napapanood na rin sa seryeng 'Batang Quiapo'

- Aminado si Rendon na maging siya ay na-motivate sa 100 pesos na halaga ng pares meal ni Diwata na may libreng inumin at unli-rice pa

- Matatandaang sumikat at lumikha ng ingay ang tinawag ni Rendon na motivational rice na tinda niya noon

Sa isang eksklusibong panayam, ibinahagi ni Rendon Labador ang kanyang pagbisita sa Diwata Pares. Dito ay inamin niyang bumilib siya sa husay ni Diwata sa kanyang matagumpay na negosyo.

Rendon Labador, aminadong na-motivate sa P100 meal ni Diwata
Rendon Labador, aminadong na-motivate sa P100 meal ni Diwata
Source: Youtube

Pumunta si Labador sa Diwata Pares kung saan nasaksihan niya ang pila ng mga kostumer na nag-aabang upang matikman ang pagkain na tinitinda ni Diwata. Kasabay ng kanyang pagbisita, dala niya ang isang litson bilang regalo para kay Diwata, ang may-ari ng nasabing kainan.

Read also

Dating tirahan ni Diwata, pinuntahan ng isang vlogger

Sa panayam, ibinahagi ni Rendon na na-motivate siya sa P100 na halaga ng pares meal sa Diwata Pares, kung saan kasama na ang libreng inumin at unli-rice.

Matatandaan na dati nang sumikat si Labador sa kanyang tinawag na "motivational rice" na inalmahan ng ilang netizens dahil sa presyo nito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Deo Jarito Balbuena na kilala sa online world bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga customer.

Matatandaang nagbahagi ng mensahe si Diwata para sa mga bashers niya na nagsasabi ng masasamang bagay tungkol sa kanya at sa kanyang negosyo. Aniya, hindi madumi ang pagkain niya at ang madumi ay ang ugali ng mga bashers niya. Tinuligsa niya ang kanilang mga saloobin at hinimok silang linilisin ang ugali ng mga ito. Binigyang-diin ni Diwata na ang kanyang layunin ay simpleng makabangon sa kahirapan.

Read also

Alex Gonzaga, nanglibre sa mga kostumer ng Diwata Pares

Binahagi ni Alex Gonzaga ang pagpunta nila ni Mikee Morada sa sikat at pinipilahang Diwata Pares. Naroroon din ang may-ari nito na si Diwata at nakita ito sa video na binahagi ni Alex na tila galit. Dahil hindi pa buo at pasilip lamang ang binahagi ni Alex, may mga nakapag-isip na malamang ay na-prank ni Alex si Diwata kaya tila nakasimangot ito. Sa iba pang video na naibahagi online, nanlibre si Alex sa mga taong naroroon at nagbigay siya ng 50,000 pesos para ipangbayad sa pagkain ng mga naroroon at pumipila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel