Camille Prats, binati ang stepson na si Ice Yambao

Camille Prats, binati ang stepson na si Ice Yambao

- Nagbahagi ng pagbati si Camille Prats para sa anak nilang si Ice Yambao sa ika-30 na kaarawan nit

- SI Ice ay anak ng kanyang asawang si VJ sa nauna nitong karelasyon ngunit naging malapit din kay Camille ito

- Sa kanyang post, tila hindi makapaniwala si Camille na 20 taong gulang na si Ice

- Isinalarawan niya si Ice bilang aniya'y isa sa 'life’s biggest surprises'

Sa pagdiriwang ng ika-20 kaarawan ng kanilang anak na si Ice Yambao, nagbigay ng natatanging pagbati ang aktres at host na si Camille Prats. Si Ice ay anak ng kanyang asawang si VJ mula sa nauna nitong relasyon, ngunit sa kabila nito, naging malapit din ito kay Camille.

Camille Prats, binati ang anak na si Ice Yambao sa ika-20 nitong kaarawan
Camille Prats, binati ang anak na si Ice Yambao sa ika-20 nitong kaarawan
Source: Instagram

Ang aktres at host na si Camille Prats ay nagbigay ng natatanging pagbati sa anak na si Ice Yambao na tinatawag niyang sariling anak kahit iba ang biological mother nito.

Read also

Luis Manzano, pinasilip ang update sa pinapagawang bahay

Sa kanyang post sa social media, ibinahagi ni Camille ang kanyang pagkagulat sa pagtatanda ng binata. "Whaaaat??? 20???? " ang kanyang reaksyon. Sinundan ito ng masiglang pagbati sa kanyang anak, "To one of my life’s biggest surprises, HBD! "

Pinahayag din niya ang kanyang pag-asa para sa kanyang anak, na patuloy na gabayan ng Panginoon. "I look forward to what God has in store for you kuya, keep walking with the Lord and He will surely guide you towards His path and His purpose. Love youuuuu!"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang mensahe ni Camille ay nagpapakita ng pagmamahal at pag-aalaga sa kanyang anak, kahit na hindi ito biyolohikal na anak. Ipinapakita rin nito ang kanilang malapit na ugnayan bilang pamilya..

Si Sheena Patricia Camille Quiambao Prats–Yambao o mas kilala sa kanyang screen name na Camille Prats ay isang Filipina actress, host, at businesswoman. Siya ang nakababatang kapatid ng aktor at direktor na si John Prats. Isa sa pinaka sumikat niyang pelikula na pinagbidahan niya ay ang Sarah Ang Munting Prinsesa.

Read also

Brenda Mage, ibinida ang picture kasama ang afam: "Dito ko lang pala sya mahahanap sa Singapore"

Matatandaang naibahagi ni Camille ang isang house tour sa bahay na pinapatayo nilang mag-asawa. Ayon sa kanya ay nakatakda na silang lumipat sa bagong bahay nila. Aniya, hindi naging madali ang kanilang pagpapatayo ng bahay dahil sa mga pinatupad na restrictions dahil sa pandemya.

Sa kanyang kaarawan ay naibahagi ni Camille ang kwento tungkol sa kanila ng kanyang mister na si VJ Yambao. Walong taon umano sila nang unang magkakilala sa kanilang paaralan. Binahagi niya rin ang kanilang class picture noon. Pinasalamatan ni Camille ang mister.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel