Kaye Abad, inaming nahirapang mag-move on kay JLC: "We broke up, not because wala nang love"

Kaye Abad, inaming nahirapang mag-move on kay JLC: "We broke up, not because wala nang love"

- Inamin ni Kaye Abad na sa lahat ng naging ex niya, pinakanahirapan siyang mag-move on kay John Lloyd Cruz

- Matatandaang minsan silang naging magka-love team sa serye nilang 'Tabing Ilog'

- Naging mag-real life couple sila nagkahiwalay din

- Mahirap umano ito para kay Kaye gayung magkasintahan ang kanilang role na nauwi pa sa kasalan sa naturang teen drama

Sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin ni Kaye Abad na pinakanahirapan umano siyang mag-move on kay John Lloyd Cruz sa lahat ng kanya umanong naging ex-boyfriend.

Kaye Abad, inaming nahirapang mag-move on kay JLC: "We broke up, not because wala nang love"
Kaye Abad (@kaye_abad)
Source: Facebook

Matatandaang si John Lloyd ang ka-love team ni Kaye sa teen drama series late 90's at early 2000.

Bukod sa pagiging magka-love team ay naging real-life partner niya ito subalit natapos din ang kanilang relasyon bago pa man matapos ang kanilang serye.

"Ngayon ko lang nare-recall, nag-Tabing Ilog, hiwalay na kami. So nahirapan ako mag-move kasi magkatrabaho kami, Umabot sa point na mag-asawa kami sa 'Tabing Ilog.' So nahirapan talaga," ani Kaye.

Read also

Kaye Abad, naloka sa pag-deny nina Paolo Contis at Patrick Garcia na niligawan nila siya

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Tapos nagka-girlfriend siya after ko. Hindi na niya ako pinapansin kasi nagseselos 'yung girlfriend niya sa akin. So nahirapan ako, Tito Boy," giit pa ni Kaye na inusisa pa ni Boy Abunda kung sino umano ang naging girlfriend na ito ni John Lloyd subalit ang tanging nasagot na lamang niya ay "secret."

Ayon pa kay Kaye, naiintindihan niya umano ang naging girlfriend na ito ni John Lloyd dahil siya pa rin ang ka-love team nito. Nangangahulugang may mga eksena na kailangan pa rin nilang maging sweet sa isa't isa.

Sa dahilan ng kanilang hiwalayan noon, "Because we broke up, not because wala nang love," ayon kay Kaye na hindi na nagbigay pa ng ibang detalye ukol dito.

Narito ang kabuuan ng naging panayam sa kanya ni Boy Abunda:

Read also

Kaye Abad, naikwento ang panliligaw sa kanya noon nina Patrick at Paolo

Si Kaye Abad ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa bahagi ng "Ang TV". Nakilala din siya bilang katambal ni John Lloyd Cruz sa seryeng "Tabing Ilog" mula 1999 hanggang 2003.

Ilang taon na ring bihira nang mapanood si Kaye Abad sa telebisyon man o pelikula buhat nang ikasal sa dating aktor at kilalang businessman na si Paul Jake Castillo. Nabiyayaan sila ng dalawang supling. Gayunpaman, makikita ang mga masasayang kaganapan sa buhay ni Kaye sa kanyang mga Instagram post.

Samantala, kasalukuyan nang umeere sa Netflix ang pagbabalik proyekto nila nina Paolo Contis at Patrick Garcia sa pelikulang "A Journey". Matatandaang sina Kaye, Patrick at Paolo ay dating bahagi ng 'Tabing Ilog' kaya naman marami ang nag-abang sa pagbabalik pelikula nila kahit hindi kumpleto ang cast ng nasabing teen drama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags:
Online view pixel