Maegan Aguilar, masayang muling nakasama ang kanyang nanay at tatay

Maegan Aguilar, masayang muling nakasama ang kanyang nanay at tatay

- Nagbahagi si Maegan Aguilar ng mensahe kaugnay sa kanyang pasasalamat at kagalakan matapos niyang makasama ang kanyang mga magulang

- Sa kanyang social media account, ibinahagi ni Maegan ang pictures niya kasama ang tatay at nanay niya

- Pinasalamatan niya ang mga magulang sa pagmamahal at pagtanggap na binigay ng mga ito sa kanya

- Pinagpapasalamat niya daw sa Maylikha ang ginawa nitong paraan upang magkasama-sama sila

Sa isang nakakaantig na post, ipinahayag ni Maegan Aguilar ang kanyang labis na kagalakan sa pagkakataong makasama muli ang kanyang mga magulang.

Maegan Aguilar, masayang muling nakasama ang kanyang nanay at tatay
Maegan Aguilar, masayang muling nakasama ang kanyang nanay at tatay
Source: Instagram

Sa kanyang social media account, ibinahagi ni Maegan ang kanilang pictures. Sa pamamagitan ng kanyang mga salita, ipinakita niya ang kanyang kagalakan sa pagkakaroon ng pagkakataong muling makasama ang mga mahal niyang magulang.

Mahal na mahal ko po kayo tay & nay. Maraming maraming salamat po sa ibinigay ninyong pagtanggap at pagmamahal sa akin. I am forever grateful to our God Almighty that moved hills, valleys & mountains just for us to be all together again

Read also

Ruffa Gutierrez, pumalag sa fake news tungkol sa umano'y sinabi ng ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Maegan Aguilar ay pangalawa sa limang mga anak ni Freddie Aguilar at ang unang sumunod sa yapak ng kanilang ama pagdating sa hilig sa musika. Si Ka Freddie o Ferdinand Pascual Aguilar sa totoong buhay ay isang kilalang Pinoy folk musician na nakilala sa kanyang awiting "Bayan Ko" at "Anak." Nagsimula siyang magtanghal sa publiko noong 1973 nang makapagtrabaho siya sa Hobbit House sa Ermita, Manila. Matatandaang taong 2018 nang matupok ng apoy ang bahay nina Freddie sa Quezon City. Nakaligtas naman ang kanyang pamilya sa naturang sunog.

Naibahagi ni Maegan Aguilar na sa unang pagkakataon ay naiparinig niya sa ama ang kantang kanyang sinulat. Pinadala niya daw ang lyrics ng kantang kanyang sinulat na pinamagatang 'Ama" Nagbigay naman ng kanyang opinyon at payo ang kanyang ama kaugnay sa kanyang kanta. Aniya, sinabi daw ng kanyang tatay na huwag siyang papayag sa 'pwede na'.

Ibinahagi ni Maegan ang kanyang original song na kanyang pinamagatang 'Ama'. Matatandaang nauna nang naibahagi ni Maegan ang tungkol sa kanyang nagawang kanta na naparinig niya na sa kanyang amang si Freddie. Tila napapanahon naman ang kanyang paglabas ng awitin niyang ito lalo at maayos na sila ng kanyang amang si Freddie. Kamakailan nga ay masayang binahagi ng mag-ama ang kanilang pictures matapos nilang magkasamang muli.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel