Regine, sa naglabasang online petition na gawin siyang national artist: "Parang nahihiya ako"

Regine, sa naglabasang online petition na gawin siyang national artist: "Parang nahihiya ako"

- Nahingan ng pahayag si Regine Velasquez patungkol sa online petition na gawin umano siyang national artist

- Nakakaramdam umano siya ng hiya at tila hindi pa raw niya ito deserve

- Pinangalanan din niya ang sa palagay niyang dapat na makatanggap ng nasabing pagkilala

- Gayunpaman, pinasalamatan din niya ang kanyang mga fans na patuloy ang suporta sa kanya sa loob ng mahigit 30 na taon sa industriya

"Parang nahihiya ako," bungad ni Regine Velasquez- Alcasid nang matanong siya ni MJ Felipe tungkol sa umano'y online petition na gawin na siyang national artist.

Regine, sa naglabasang online petition na gawin siyang national artist: "Parang nahihiya ako"
Regine, sa naglabasang online petition na gawin siyang national artist: "Parang nahihiya ako" (Regine Velasquez-Alcasid)
Source: Facebook

"Parang there are more artists who are more qualified. I don't think I'm qualified yet," paliwanag ng Asia's Songbird.

Pinangalanan din niya ang sa palagay niya'y mas karapat-dapat na matanghal bilang isang national artist.

"I would want Pilita Corales, to be a national artist. Jose Mari Chan. Those are the people who should be in there. And sana malagay sila do'n habang buhay pa sila. Para ma-enjoy nila," aniya.

Read also

Sarah Lahbati, naniniwala sa karma: ‘You don't get peace by seeking revenge’

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Gayunpaman, pinasalamatan niya ang kanyang mga fans na makalipas ang mahigit 30 taon sa industriya ay patuloy na sumusuporta sa kanya.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa TV Patrol/ ABS-CBN News:

Si Regine Velasquez o Regina Encarnacion Ansong Velasquez-Alcasid sa totoong buhay ay kilalang mang-aawit at binansagang "Asia's Songbird." Ang kanyang kahanga-hangang husay sa pagbirit ang isa sa pinakahinahangaan sa kanya. Bukod sa pagkanta, umarte na rin siya sa ilang pelikula at isa din siyang producer.

Masaya ang mga fans ni Regine gayung araw-araw nila itong napapanood sa Magandang Buhay kasama nina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros-Francisco. Matatandaang sa programa nilang ito unang natawag ni Regine si Melai bilang 'Asia's comedy queen'.

Bukod sa morning talk show na ito at ASAP tuwing Linggo, abala pa rin sa si Regine sa kanyang mga concerts at shows. Tulad na lamang ng nalalapit niyang Regine Rocks The Repeat na gaganapin sa April 19 sa MOA Arena na susundan naman ng Meet and Greet sa kanyang mga fans sa April 21. Matatandaang naging matagumpay ang una niyang naging Regine Rocks concert noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica