Janus Del Prado, sa dating bumatikos umano sa mga lumipat ng istasyon: "hypocrites"

Janus Del Prado, sa dating bumatikos umano sa mga lumipat ng istasyon: "hypocrites"

- Tila may patutsada si Janus Del Prado sa noo'y bumatikos sa mga lumipat ng istasyon

- Ang pinatutungkulan niya umano ngayon ay lumipat na rin daw ng istasyon

- Aniya, hindi raw dapat nagsasalita ng tapos gayung bilog ang mundo

- Ngayon, mapapanood naman si Janus sa GMA serye na Black Rider na pinagbibidahan ni Ruru Madrid

Naglabas ng saloobin si Janus Del Prado patungkol umano sa nagsabi noong hindi lilipat ng istasyon.

Janus Del Prado, sa dating bumatikos umano sa mga lumipat ng istasyon: "hypocrites"
Janus Del Prado, sa dating bumatikos umano sa mga lumipat ng istasyon: "hypocrites" (Janus Del Prado)
Source: Facebook

Aniya, nagawa pa raw ng mga ito na mabatikos ang mga unang nagdesisyong lumipat.

"Yung mga bumatikos sa mga lumipat dati, naglipatan na din ngayon Iol. Kala ko ba hindi loyal ang mga lumilipat? #hypocrites" ang laman ng kanyang post.

Na sinundan naman ng komento rin niya sa post na ang mga bumatikos na ito ay lumipat na rin ng istasyon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Kylie Verzosa, 'di naniniwalang pwedeng maging kaibigan ang ex: "Respeto sa bagong partner"

Dahil dito, pinayuhan niya ito na huwag magsasalita ng tapos gayung bilog ang mundo.

"Kala ko ba walang lipatan ever? Edit para sa mga G n G. At the end of the day lumipat pa din sila ng Station. Kinailangan pa rin nila yung tulong ng Station ng mga artista na binabash nila dati (lalo na yung mga lumipat) para magkaroon ng mas malaking platform. Lesson. Wag magsalita ng tapos. Bilog ang mundo"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag na naibahagi rin ng Pilipino Star Ngayon:

Dating contract artist ng Star Magic si Janus Del Prado. Nagkasama sila ng ipinagtatanggol niyang kaibigan na si Bea Alonzo sa ilang mga pelikula tulad ng One More Chance, na pinagbidahan ng aktres, katambal si John Lloyd Cruz, noong 2007. Magkasama rin sina Bea at Janus sa Four Sisters and a Wedding noong 2013. Naging bahagi rin siya ng isa sa mga serye ng tambalang DonBelle sa 'He's Into Her.'

Read also

Cristy, umano'y may hamon sa ilang AlDub fans: "Kailangan ang ilabas niyo, resibo"

Matatandaang sa unang panayam sa kanya ni Ogie Diaz noong taong 2021, idinetalye ni Janus ang mga cryptic post niya noon na bahagi lamang umano ng pagtatanggol niya sa kanyang mga kaibigan partikular na kay Bea Alonzo. Malapit na kaibigan niya si Bea na isa umano sa mga taong hindi nakakalimot sa kanya.

Sa ngayon, nagbabalik telebisyon si Janus sa teleseryeng Black Rider na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica