KC Concepcion, puring-puri ni Cristy Fermin sa pagiging humble nito

KC Concepcion, puring-puri ni Cristy Fermin sa pagiging humble nito

- Nabanggit sa programang Showbiz Now Na ni Cristy Fermin ang tungkol sa pagpapatayo ni KC Concepcion ng building sa kanyang resort sa Palawan

- Nabanggit nila ang pagiging low-key ni KC kahit marami na itong napundar na mga properties

- Anila, nakakabilib si KC dahil sa husay nito sa paghawak ng kanyang pera na mula sa kanyang pagtatrabaho

- Dagdag pa nila, namana ni KC ito sa kanyang ina, kanyang ama at mga lolo at lola nito

Puring-puri si KC Concepcion nina Cristy Fermin at kanyang mga co-hosts sa programa nilang Showbiz Now Na. Anila, nakakabilib si KC dahil sa husay nito sa paghawak ng kanyang pera na mula sa kanyang pagtatrabaho.

KC Concepcion, puring-puri ni Cristy Fermin sa pagiging humble nito
KC Concepcion, puring-puri ni Cristy Fermin sa pagiging humble nito
Source: Youtube

Nabanggit nila ang tungkol sa pinapagawa daw nitong building sa resort niya sa Palawan. Anila, namana ni KC ito sa kanyang ina, kanyang ama at mga lolo at lola nito.

Read also

Ogie D sa anak ni Jhong Hilario na si Sarina: "Napakabiba ng batang 'yan"

Hindi daw ito masyadong bumibili ng mamahaling mga gamit at inuunang mag invest sa mga properties. Sa kabila daw ng kanyang mga naipundar ay hindi ito nagyayabang at nag-iingay kagaya sa ibang mga personalidad.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si KC ang panganay na anak ni Sharon Cuneta sa dating asawang si Gabby Concepcion. Matapos maghiwalay ng kanyang mga magulang, kinilala niya ring ama si Senator Francis Pangilinan. Nagtapos siya ng Bachelor's Degree in International Corporate Communications with a minor in Theatre Arts sa American University of Paris.

Ibinahagi kamakailan ni KC sa kanyang vlog ang kwento kung paano sila muling nagkita at nagkausap ng ama niyang si Gabby Concepcion. Noong siyam na taong gulang siya, pumunta ng Amerika si Gabby at doon nagtrabaho. Naibahagi ni KC kung paano sila nagkausap noong siya 18th birthday niya. Marami ang naantig sa video na ito ni KC dahil sa kanyang pagmamahal sa kanyang ama.

Matapos nga niya ilabas ang video ng kwento tungkol sa muling pakikipag-ugnayan nila ng amang si Gabby, naibahagi ni KC ang kanyang pagmamahal at pasasalamat para naman sa kanyang stepfather na si Kiko Pangilinan na siyang tumayong pangalawang ama niya. Aniya ay sobra niyang naapreciate ang kanyang stepfather at pinakita pa nito ang pearl necklace na natanggap niya mula dito nang magpakasal sila ni Sharon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel