Heart Evangelista, may paglilinaw sa kanyang post na libro: "It's actually for Christians"

Heart Evangelista, may paglilinaw sa kanyang post na libro: "It's actually for Christians"

- Ibinidang muli ni Heart Evangelista ang libro na may pamagat na "Don't Give The Enemy A Seat At Your Table"

- Aniya, nanatili ito bilang kanyang pinakapaboritong libro at may paglilinaw siya tungkol dito

- Para daw sa mga taong hindi pa nakakaalam, ang librong ito ay para sa mga Christians at nagbahagi pa ito ng kanyang paboritong quote mula sa libro

- Matatandaang naging usap-usapan ang post na ito ni Heart nang bigyang kulay ng ilang netizens ang post niya

Nag-post muli si Heart Evangelista patungkol sa librong Don't Give The Enemy A Seat At Your Table. Aniya, ito pa rin ang kanyang pinakapaboritong libro.

Heart Evangelista, muling binahagi ang aniya'y favorite book niya
Heart Evangelista, muling binahagi ang aniya'y favorite book niya
Source: Instagram

Nilinaw ni Heart na ang librong ito ay para sa mga Christian at ibinahagi pa niya ang kanyang pinakapaboritong quote mula dito.

“Intimacy with God is the way to true fulfillment. How do you keep the Enemy from sitting at your table? You keep your eyes on Christ.”

Read also

Ogie D sa anak ni Jhong Hilario na si Sarina: "Napakabiba ng batang 'yan"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Heart Evangelista, may paglilinaw sa kanyang post na libro: "It's actually for Christians"
Heart Evangelista, may paglilinaw sa kanyang post na libro: "It's actually for Christians"
Source: TikTok

Matatandaang nabigyan ng ibang kulay ang post na ito ni Heart lalo at nagkataon naman ang sinabi ni Pia Wurtzbach sa isang ad.

Ikinasal si Heart Evangelista kay Sen. Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit. Gayunpaman, isang netizen ang nagkomento na nababaliw na daw ang aktres dahil wala itong anak. Hindi naman ito pinalampas ni Heart at hindi na nakasagot ang naturang basher matapos siyang kuyugin ng mga followers ni Heart.

Read also

Kris Bernal, ibinida ang cute na video nila ng kanyang mag-ama

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan. Aniya, kung bibilangin ay malaki din ang ginagastos niya para sa kanyang accommodation sa tuwing pumupunta siya sa Paris. Matatandaang maraming pagkakataon na rin na naiimbitahan si Heart sa iba't-ibang fashion events sa ibang bansa kabilang na sa sikat na sikat na Fashion Week.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel