Ogie Alcasid, pumalag sa peke at bogus marketing contents sa social media

Ogie Alcasid, pumalag sa peke at bogus marketing contents sa social media

- Pinalagan ni Ogie Alcasid ang paggamit sa pangalan niya para sa pekeng ads at bogus marketing content

- Ibinahagi niya ang screenshot ng isang post ng picture niya na nakahiga sa hospital bed

- Sinasabi din sa naturang post na ang cream daw ang nagpagaling sa kanyang osteoarthritis

- Agad na itinanggi ni Ogie ito at nagbigay ng babala sa publiko na huwag silang magpapaloko

Pinalagan ni Ogie Alcasid ang usapin tungkol sa pekeng ads at bogus marketing content sa social media matapos gamitin ang pangalan at litrato niya sa ilang mga mapanlinlang na post.

Ogie Alcasid, pumalag sa pekeng at bogus marketing contents sa social media
Ogie Alcasid, pumalag sa pekeng at bogus marketing contents sa social media
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naglabas ng babala si Ogie, ang asawa ng kilalang Asia’s Songbird, laban sa mga scammer na nagpapanggap bilang siya. Nilinaw din niya sa programa na "It’s Showtime" na walang katotohanan ang mga kumakalat na larawan sa ilang Facebook page na nagpapakita umano na naospital si Ogie dahil sa osteoarthritis.

Read also

Boy Tapang, nag-sorry sa BSP matapos gumawa ng saranggola gamit ang pera

Mariin pinabulaanan ni Ogie sa kanyang Instagram post na naospital siya kagaya sa pinapakitang picture sa post. Iginiit niyang hindi niya iniendorso ang naturang produkto at binalaan ang mga netizen na huwag magpaloko.

Maraming reaksyon ang kumalat sa social media matapos ang insidenteng ito, kabilang ang komento ng ilang kilalang personalidad tulad nina Alessandra De Rossi, Vina Morales, at Kris Lawrence. Marami rin ang nagpahayag ng suporta kay Ogie at nagmungkahi ng legal na aksyon laban sa mga mapanlinlang na gumagamit ng kanyang pangalan at litrato para sa kanilang mga pansariling interes.

Si Regine Velasquez o Regina Encarnacion Ansong Velasquez-Alcasid sa totoong buhay ay kilalang mang-aawit at binansagang "Asia's Songbird." Ang kanyang kahanga-hangang husay sa pagbirit ang isa sa pinakahinahangaan sa kanya. Bukod sa pagkanta, umarte na rin siya sa ilang pelikula at isa din siyang producer.

Kamakailan, kinaaliwan din ang biro ni Regine na kunwari ay nakikiusyuso kay Francine Diaz. Ito ay noong kasagsagan ng isyu tungkol sa kanila ni Andrea Brillantes at Seth Fedelin. Naging bahagi na din si Regine ng talk show na Magandang Buhay. Kinaaliwan ang kanyang post kung saan nawindang siya nang mapansing naka-tsinelas lamang siya nang pumunta siya sa taping.

Read also

Pagprito ng mga pagkain ng isang vlogger gamit ang init ng araw, viral

Matapos mag-viral ang pagbabalik-tanaw ni Regine kaugnay sa nangyari bago sila nagkatuluyan ni Ogie Alcasid, naibahagi ni Cristy Fermin ang umano'y kanyang nasaksihan. Hindi lang umano isang beses nasangkot si Regine sa isyu ng pagiging 3rd party sa isang relasyon. Muling binalikan ni Nanay Cristy ang pagkasangkot niya sa relasyong Gelli de Bellen at Ariel Rivera. Nasangkot din umano si Regine sa relasyong Bing Loyzaga at Janno Gibbs kahit kasal na ang mag-asawa noong mga panahong iyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel